Chapter 32-Hearing those words hurt me

3.4K 115 2
                                    

Sabrina

Ang sakit ng nararamdaman ko,sa sobrang sakit,naduwag ako,bigla na lang akong umaalis,hindi man lang ako lumalaban,bakit naman ako lalaban kung wala akong ipaglalaban at walang alaban laban.

Nakayakap pa din ako kay Gian,wala naman na akong ibang mapaglalabasan ng nararamdaman ko,kundi sya,sya na kasi yung madalas nasa tabi ko.

"Wag ka ngang umiyak dyan di ako sanay"sabi nya,alam kong nagtatry syang patawanin ako,pero di ko magawa,nasasaktan kasi ako.

"Thanks Gian,thank you kasi lagi kang nandyan"sabi ko at pinunasan ang luha ko.

Tumango sya sakin at nginitian nya ako.Pumasok na ako sa classroom,di ako lumingon sa kanya,yun naman kasi ang gusto nya,ayaw nya akong pansinin eh,edi yan.

Umupo na ako sa upuan ko at pumasok na yung teacher namin.Nakinig na lang ako sa diidiscuss ng teacher namin hanggang sa matapos ang klase namin.

***

Uwian na,wala si Gian kasi may gagawin daw kaya wala akong kasabay,wala si Hannah kasi kasama si John.Asan na kaya si Kris?

Bahala na nga ako na lang ang uuwi ng akin.

Kaso papalabas palang ako ng gate,natanaw ko na ang kotse ni Kuya.

Yes!si Kuya ang susundo sakin!

Lumabas agad ako ng gate,napalingon ako sa may likod ko,sa di kalayuan,nakita ko si Dwayne,nagtama na naman ang tingin namin,pero ako na ang unang umiwas,pumasok na lang ako sa kotse ni Kuya.

"Yeyy!!kuya namiss ko toh!kaw kasi eh!di mo na ak--Ate Tinnnn!!!...wait,Ate Tin?bati na kayo?waaaaaaaahhhhhhhh!!!"lumabas ulit ako at lumipat sa likod.

"Ate Tinnn!!!huhu akala ko di na kayo magbabati ni Kuya!sobrang boto ako sayo para sakanya!alam mo ba Ate Tin?gusto ko ikaw ang sister-in-law ko!ayoko sa iba!bubugbugin ko si kuya pagpinaltan ka nya!"sabi ko pa.

"Daldal mo,Princess.Shh,nakalunok ka na naman ata ng mic eh noh?di ba yun,may speaker pa"grabe naman si kuya :3

"Haha.Okay lang yan Sab,pagtalaga nambabae yang si Sean,noh?!"sabay tingin ng masama kay kuya

Naghigh-five kami ni Ate Tin at nagtawanan.

Mga baliw talaga kami eh hahahahaha.

Nakadating na kami sa bahay,dito daw muna si Ate Tin,yehey!

Nasa sala kami at nagnonood ng 'Marley and Me' nakakaiyak daw toh,sabi ni Ate Tin,pero si Kuya naman,ayaw maniwala,ako ewan ko ba kung anong nakakaiyak dun eh aso lang tska lalaki ang nandun tska yung pamilya nung lalaki,ay ewan,manonood na lang ako.

***

Nanonood pa din kami hanggang ngayon,kaso iba naman ang pinapanood namin,grabe naiyak talaga ako kanina ha,gawa nung aso nakakaiyak pala talaga yung movie na yun.

Ngayon naman,ang pinapanood namin ay...Legend of the blue sea!!!

"Wadapak!ang cute ni Lee Min Ho!!"sabay pa naming sabi ni Ate Tin.

"Ililipat ko na nga"sabi ni kuya at akmang kukunin ang remote control

"KJ!!"sabay ulit kami.

"Tss.Kasi eh,si Lee Min Ho lang yan eh!"

"Pasalamat ka kamukha mo si Lee Min Ho kuya,kung hindi matagak na kitang tinapon sa kabilang bakod!"sabi ko na ikinatawa naming tatlo.

~'~'~'~

Inabot na kami ng gabi sa panonood,sabi ni Ate Tin,dito na lang daw sya matutulog kaya mas lalo akong naexcite.Pero syempre,sa kwarto ko matutulog si Ate,di sila pwedeng magsama ni kuya noh,kasi alam nyo na,nako,tsk tsk.Joke lang,di sila ganun noh.

Ms.Amazona meets Mr.Playboy[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon