Chapter 26-May nagugustuhan si Supportive Bestfriend

4K 131 2
                                    

Sabrina

Okay this is the day na makakasabay ko na ulit sya.Maski naman ako namiss ko sya eh.Ayieee,namiss ko sya!Joke lang hehezz.

Nagready na ako,ayos na ayos pa ang uniform ko.Naghighbun na lang ako,messy hairbun,mas gusto ko yun kesa sa masyadong ayos na ayos.Sagwa.Simple lang naman,okay na.

Ready na ako iintayin ko na lang sya.

*beep beep*

Okay andito na sya,di ko na kailangang magintay.

Bumaba na ako galing sa kwarto ko.

"Alis na po ako Lola Sarah!...asan po si Kuya?"

"Nauna na"tumango ako at binigyan muna sya ng hug.

Lumabas na ako at nakita ko naman na nagaabang na nga si Dwayne sa tapat.

Nung makalabas na ako,pumasok na ako sa kotse nya.

Pinaandar na nya kotse nya.

"Sinong nakakasama mo pagpasok nung di ako ang nakakasabay mo?"tanong ko sa kanya.

"Wala.Ikaw kasi eh"nagpout pa na parang bata.

"Sorry naman"sabi ko ng natatawa pa.

Tumigil na kami nung nasa parking lot na.Hays.namiss ko toh.Charoth.

Sabay na kaming naglakad sa hallway.Nung una medyo kinakabahan pa ako kasi paglumalapit ako sa kanya lagi akong kabado,I tried to act normal na lang.

Nung nagtagal medyo comfortable na ulit ako na kasama sya.

"Sab"tawag nya sakin.

"Oh?"tanong ko.

"Nood ka mamaya ng game please?"nagpuppy eyes pa.

"Manonood ako,pero tigilan mo yan,di ka cute"maski cute naman talaga sya >.< ay!anong kalandian yan Sab?hays.

"Salbahe.Ngayon na nga lang ulit tayo nagsama tas iniinsulto mo pa kagwapuhan ko"sabi nya.

"Alam mo ba na masama ang magsinungaling?"pangiinis ko sa kanya.

"Aba.Sa lahat ng oras na sinasabi ko na ang gwapo ko,walang naniniwala,kinokontra lang"sabi nya at umaktong nagtatampo.

"Gwapo ka naman.Kaso ang hangin mo,kaya yan,tinatanggi"medyo nakakahiya na ako pa ang nagsabi na gwapo sya T°T.

"Edi inamin mo din na gwapo ako"pumalakpak na naman ang tenga nya.

"Di ko inamin,sinabi ko lang"nagpout sya kaya tinorpe ka na lang.Di na uso yung pisil ng pisngi,torpe na lang.

"Aray!makatorpe ha,parang tatanggalin mo na yung ulo ko eh"angal nya"Amazona ka talaga"sabi pa nya habang hinihimas pa yung batok nya.

"Nana,parang tinorpe lang eh"

"Precious head ko toh,malamang"

"Precious head ka dyan,putulin ko yan eh"

"Nakakatakot ka ha?"

"Ako pa"tinawanan lang nya ako-____-

Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.Di pa kasi namin na darating yung classroom.

Pagkadating namin dun,kokonti pa lang yung mga kaklase namin na nandun,siguro masyado kaming napaaga.

"Tambay muna tayo sa likod"aya nya.Tumango naman ako.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa likod ng building.

Nung makadating na kami dun,umupo kami sa ilalim ng puno.

Ms.Amazona meets Mr.Playboy[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon