Simula
Temang musika: Story of my Life (One Direction)♡♡♡
Nagheadbang lang naman ang puso ko para sa’yo. Hindi ko alam na sa ‘di sinasadyang pagkakataon ay mauuntog ito nang malakas. Nasaktan tuloy nang sobra at nagmuka pa ‘tong hagot katanga.
♡♡♡
LAST November ay naisipan ko na lamang na simulang isulat ang kwento ko. Pero unlike any other stories, ito naman ay kwento ng aking pagkabigo at pagkasawi—pagkasawi sa pag-ibig.
Isang taon na rin naman ang nakalipas nang minahal ko ang isang taong hindi ko inakalang ganoon kalaki ang magiging epekto sa akin. Hindi ko alam na iyon na rin pala ang hudyat na isupalpal ko sa sarili ko na isa akong malaking tanga. Bakit? Dahil minahal ko ang isang taong dapat ay kaibigan lang.
Sa totoo lang, noong sinulat ko iyon ay nahirapan ako sa pag-iisip ng title. Gulong-gulo ako. Hindi naman sa maarte pero naisip ko kasi, hindi ito basta-bastang kwento na pauso ko lang at saka isusulat. Hindi ito produkto ng aking imahinasyon tulad na lang ng mga nauna kong kwentong naisulat na at na-ipublish sa isang free writing website na Wattpad. Hindi ito basta-basta para sa akin dahil wala itong halong pag-iilusyon at pag-aassume, dahil totoong kwento ito. Kwento ng pagsibol ng love na ‘yan sa puso ko. Yuck, ang cheesy.
TANGHALING-TANGHALI’Y sinuong ko ang busy streets ng Recto at Morayta at siyang nakipagsagupaan sa mga masakit sa ilong na usok ng mga sigarilyo, mga taong sa ganitong lugar ay wala na yatang katiwa-tiwalang muka, mga tindahang wala na yatang isang inch ang pagitan, mga batang pakalat-kalat na nakakagitla ang pagkalabit sa’yo at manghihingi ng piso, ang buhol-buhol na mga sasakyan na may mga atat na busina, at ang isang malaking pagsasakripisyo’t animo’y isang prusisyon sa ilalim ng tirik na tirik na araw.
"Sorry. Na-late ba ako?" Pagod na pagod kong sabi’t umupo agad dito sa aming practice room.
"Hindi. You're just in time. Ohh magpahinga ka muna, tapos rak na tayo." paghagis sa’kin ng bottle ng tubig ni Rian, kasamahan ko sa band sa guild.
"Hassle kasi ang traffic, eh. Teka, what song tayo ngayon?" Sabi ko sabay laklak nung tubig.
"Everything Has Changed nina Taylor Swift at Ed Sheeran." Natigilan ako pagkarinig niyon. May ala-alang bigla nanamang pumasok sa isip ko. Ala-alang dapat ay winaglit ko isang taon na ang nakakalipas. Nagkibit-balikat na lang ako, at nagpatuloy sa pag-inom. Naalala ko rin kasi… nakamove-on na nga pala ako.
"Hey, ‘di ka tumanggi? Ibig sabihin pwede mo nang kantahin ‘yung song na ‘yun?"
"Oo naman. Bakit naman hindi ko pwedeng kantahin ‘yun?"
"Nagmamaang-maangan ka pa. ‘Di ba? You don't want to sing that song with anyone. Just with that person. Just with him." pagdiin pa ni Rian.
"Ang who's that him ba? Wala akong natatandaan na ‘di ko ‘yan pwedeng kantahin with anyone." pagpapaliwanag ko. Totoo naman kasi, I moved on. Kaya what's the big deal by now right?
"You really want me to mention his full name?" pagngisi pa ng wagas makapang-asar na si Paolo, kasamahan ko rin sa band sa Perf Guild, isang group na nag-oorganize ng mga events sa malls at iba pang lugar. Sa amin rin kumukuha ng mga performers for events.
Tumayo na ako at binato sa kanya ‘yung bottle ng tubig na ubos ko na ang laman. "Then say it. Walang pumipigil sa’yo." Nag-bleh pa ako at nilayasan na siya. Nakita ko namang panay ang hagikgik at tawa niya. Tumabi na lang ako dito sa couch kina Will na natutulog at dito Filan na… nagbabasa?
BINABASA MO ANG
Brainless Heart
Teen Fiction"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...