Ikalawang Ala-ala
Call
Temang musika: Everything Has Changed (Taylor Swift ft. Ed Sheeran)♡♡♡
Ay pag-ibig ay alinman sa dalawang aksidente: love luck o love mishap. May swerte at may sawi. Walang malas sa pag-ibig. Sadyang pagkakataong maituturing lang talagang kinakampihan ka ng kasawian.
♡♡♡
July.
Nanibago ako sa’ming dalawa. Hindi na kasi siya nagpaparamdam, eh. Walang GMs from him. Syempre nakakapagtaka ‘yun ‘di ba? All of a sudden, biglang nawala ‘yung communication.
Mukang nakasanayan ko na.
Sa Wattpad naman nakikita ko siyang nag-oonline minsan. Kaya bilang friend, kinukumusta ko siya, nagpopost ako sa message board niya. Kaso ewan ko ba kung bakit nafi-feel ko ‘to, pero parang naging cold ang treatment na niya sa’kin. Or napaparanoid lang siguro ako.
Nagpost ako sa wall niya, “Oy kumusta ka na! Walang paramdam ah?”
Tugon niya, “Sorry, busy lang talaga. Haha!”
Busy niya muka niya. Eh, sa wattpad nga may nakikita akong kadaldalan niya, eh. Iba na. And if I’m not mistaken, babae. Well, sana nga babae, mukang bakla, eh. Joke! Buti na lang mabait ako at nagawa ko pang mag-joke.
Teka teka teka nga, ba’t parang tunog nagseselos ako. Yak! Never in the world. Nakakapagtaka lang, at syempre nakakapanibago. Curiosity lang ‘to. Kasi nga kaibigan.
Pero ba’t kaya ganun. Ang hahaba pa nila mag-usap sa wattpad. Nakakainggit. Opkors joke lang, kayo naman. Mga malisyoso. Tsk. Lahat ng messages nung babaeng ‘yun nirereplyan niya, pero madalas ‘pag nagpost ako, hindi niya narereplyan. How great.
At ‘yun, napag-alaman kong sira pala ang phone niya; kaya ‘di siya nagtetext. Nakahinga akong maluwag kahit papano. Akala ko kasi, nagkalimutan na. Aba, kakalbuhin ko siya ‘pag nangyari ‘yun. Subukan niya lang.
ISANG ARAW, nagkaroon kami ng konting daldalan sa watty—MB to MB. Nireply-an ko ‘yung reply niya sa’kin, tapos bigla na lang akong nagulat kasi biglang nagalit.
“Natuwa ka pa d’yan! Saan ka ba busy? Baka mamaya may anak ka na pala kaya busy-busyhan technique ka na. Hahahaha!”
“Yah! I do have kids. Their name is Yuan and Yuri. Got a problem with that? Hahaha joke,” reply niya sa MB ko.
Nagreply ulit ako, “Hala! Pa’no mo sila pinroduce? Sariling sikap? HAHAHAHA! Akin na lang ‘yung Yuan. Oo may problema ako do’n.”
“Ayoko nga! Magutom pa si Yuan sa’yo! Oh talaga?”
“’Asan ba si baby Yuan? Patingin nga! Baka ma-child abuse ko ‘yan. Siguraduhin mong cute ‘yan (mana sa’kin \^o^/) Angal sapak!”
“Wait, i-DDP ko tom. Haha.”
“Ehh! Pa-advance na! Pakita mo na sa’kin. Sana hindi mo kamu’ka. Sana cute. Pauso mo lang ba ‘yung name ni baby Yuan?”
“Do you think pauso ko lang? Bakit, anong mapapala ko if nag-imbento lang ako? Kinasaya ko ba ‘yon? Tanungin nga kita, anong mapapala ko dun?”
Nagulat ako sa reply niya. Napamura ako nang literal. Wala naman akong masamang intensyon doon sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Brainless Heart
Teen Fiction"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...