Kabanata 14
Death
Temang Musika:Dwain's side - Wanted (Hunter Hayes);
Jase's side - I Will Always Remember You (Miley Cyrus);
chapter's theme - Little Wonders (Rob Thomas)♡♡♡
It's alright, 'cause it's goodbye.
♡♡♡
Mga bandang 3:30 ay pumunta muna kaming lima sa bahay dahil kukunin ko ang mga kailangan kong dalhin para sa pagkikita namin, at sa pagtatapat ko kay Dwain. Hindi ko pa rin lubos maisip na nakumbinsi na ako nung apat na gawin ang bagay na ito. If I'm going to think straight at the moment, they were actually right. Time was of the essence, but I always choose to take it slow. Kaya naman, ilalaban ko na 'to.
Bumaba kami sa sports car ni Filan at tumulak papasok sa bahay. Umakyat na ako sa itaas para magbihis at kunin ang mga gamit. Nagpaalam na rin ako sa mga magulang ko at pinayagan naman nila ako. Mag-ingat lang daw ako. Lagi naman akong nag-iingat pero dahil siguro doon sa sabi-sabi na 'pag birthday, lapitin ng disgrasya.
Kinuha ko 'yung flash drive ko at 'yung CD na binurn-an ko nung acapella kong recording ng kantang ginawa ko noon sa kanya. Nilagay ko na lahat sa bag.
Muntik ko nang malimutan 'yung pahina ng papel na naglalaman naman ng tula. Isinilid ko 'yun sa aking bulsa.
Dwain:
I texted them, hindi pa sila nagrereply. Starbucks na lang sa SM San Lazaro, okay lang ba? Para malapit lang sa inyo at 'di ka ma-hassle pagpunta. Actually nandito na 'ko.
Ako:
Okay. Neknek mo! Nandyan na daw.
Dwain:
Kidding. Haha. But I'm on the way.
Ako:
Okay. Ngat.
Dwain:
Ngat?
Ako:
Ingat -_-
Dwain:
Wait, napalitan na 'yung thank you as our always?
Ako:
Shut up, Dwain. Korny mo. Sige na baka mabangga ka pa, konsensya ko na lang.
Dwain:
Just conscience? Hmm, okay ingat ka rin panget.
Ako:
Panget your face. 'Wag mong kalimutan 'yung regalo mo. 'Saka 'di ako nagdala ng pera, libre mo eh."
Dwain:
Mautak ka talaga. Naniwala ka namang may regalo ako sa'yo. :p
Ako:
K.
That's the worst reply for me, pero hindi ko napigilan ang sarili kong i-text siya ng ganon. Nanti-trip nanaman pala siya. I wonder, siguro bored lang siya ngayon kaya ganyan.
Pero maya-maya nagtext rin.
Dwain:
Hey, joke lang.
Ako:
Haha takot ka? Aba himala!
Dwain:
Tss.
Ako:
Tss rin.
Dwain:
Wait, are you with him?
BINABASA MO ANG
Brainless Heart
Teen Fiction"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...