Ala-ala 1

13.9K 259 33
                                        

Unang Ala-ala
Someone
Temang musika: Just Keep Breathing (We The Kings)

♡♡♡

Ang pag-ibig ay parang salitang “unexpected”. Hindi mo alam na inlove ka na pala sa isang pitik, o ‘di kaya nama’y hinahanda ka na pala nitong ibitin nang patiwarik.

♡♡♡

KASAGSAGAN noon ng mga early-bloomers, mga teenagers sa kaliwa’t kanang hala sige sa paghoholding-hands, mga mag-jowang mistulang mu’ka nang mga langgam sa sobrang pagbalandra ng Public Display of Affection, mga emoterong matindi makapagdrama, mga manlolokong may kaluluwa nga yata ng mga asong ulol, mga mahaharot na hindi yata mapirming umupo lang sa ilalim ng iisang puno ng saging, at mga taong malakas makapagpantasya sa kani-kanilang mga pinapangarap na prinsesa’t prinsipe. Habang ako, heto’t subsob lang sa pag-aaral, pagsasaya sa buhay, at walang pakialam sa mga “love love” na ‘yan.

I am too young for love—‘yan ang paniniwala ko sa sarili. True enough kasi I’m only 16 years old by this time. Hindi naman ako nagmamadali, hindi rin ako atat, at lalong hindi rin ako naiinggit sa mga lovers na nakikita ko kung saan-saan. There’s more to life, and there’s the right time for love anyway—alam kong gasgas na ang linyang ‘yan pero isang malakas namang balibag iyon ng katotohanan. Mas okay nang maging late-bloomer, at least alam ko sa sarili kong handang handa na ako sa pag-ibig na ‘yan pagdating ng araw.

Pero minsan hindi ko maiwasan ang mga katanungan ko sa buhay, “Masarap nga ba sa pakiramdam ang maging inlove? Masaya nga bang umibig?”

Sabi nila, sa love, sasaya ka. ‘Yung iba sabi, sa love, masasaktan ka. At karamihan naman sabi, sa love, nabubutas ka lang, napapasukan, at sa huli iniiwan kang duguan. At karamihan pa sa karamihan, sa love daw, napakaraming tanga.

Ewan. Hindi ko alam. Hindi ko pa naman kasi nararanasan. Halughugin man ang buong utak at puso ko, never pa akong nakaexperience mainlove.

Kaya heto, nililibang ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay. Namulat ako sa Wattpad—isang website na kung saan maaaring gumawa ng mga storya at ibahagi sa buong mundo, noong isang taon. Dumaan ang maraming araw, linggo't buwan at naka-adjust na ako sa kalakalan sa Wattpad. Nagkaroon na ako ng ilang kaibigan, may nagbabasa na rin nung gawa kong nung mga panahong iyon ay isa pa lang na storya.

Dumaan ako sa sobrang depresyon nung second sem ng first year dahil sa sobrang laking problema. Well, it's a school stuff, nothing to elaborate further kasi nalagpasan ko rin naman.

‘Yung problema ko nung mga panahong iyo’y napawi nang nakilala ko ang mga baliw na Wattpad citizens. At ngayon nga'y itinuturing kong pinakaka-close ko sa lahat ng kaibigan ko sa Watty. Isang grupo kami na orihinal na binubuo ng sampung myembro na lumagpak sa walo.

Isa doon si Dwain, ang member naming halos hindi ko nakakausap at nakaka-interact dahil sa ka-inactive-an niya sa group namin.

Siguro first time kong makipagbaliwan sa kanya sa FB group namin nang mag-post siya roon at nagsi-commentan kami.

[Dwain]

Been very INACTIVE! Sorry hahaha!

Comments:

[Kym] Galaw-galaw rin ‘pag may time. Ibabalik ka namin sa mental!
[Karla] True, gumagaling na ‘yan eh!

Nag-comment naman ako, at dahil baliw ako nung gabing ‘yon, baliw rin ang comment ko:

[Ako] 

Tsss. Ngayon ka pa magsosorry! Kung kelan tapos na?! Kasi alangan nga namang sa umpisa ka magsorry ‘di ba? Wala na! Tapos ngayon magsosorry ka? Ano? Nakokonsensya ka? Ano ha? Sumagot ka Dwain! Bakit! Bakit mo ‘to ginawaaaaa! Panindigan mo ang kasalanan mo sa’min! Dwaaain! Bakit! Baaaakit!

Brainless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon