Kabanata 5
Maiwan
Temang Musika: I Want Crazy (Hunter Hayes)♡♡♡
Kahit kailan hindi naging constant ang pahayag na "Promises are meant to be broken" dahil ang kahit ano ay maaaring makontra, at lahat rin ng bagay ay pwedeng salungatin. Kahit ang pangakong nakalaang mapako ay kayang-kaya naman talagang tuparin.
♡♡♡
Hindi ko alam kung biniyayaan rin ba si Dwain ng talentong mapaglaro sa wika na kahit 'yung gusto niya talagang sabihin ay kayang-kaya niyang itago o ipalabas na negative sa pamamagitan ng mga salita.
Mabuti pa nga. Baka mahawa pa ako sa’yo, masabihan pa kita ng I miss you too.
Ang sarap kiligin, pero bigla kong tinanong ang sarili ko, bakit naman ako kikiligin? Whatever, Dwain.
Umalis na kaming dalawa sa balkonahe't nakisali na kina Lai na nakahilata sa kama. Tatlong king-sized beds ang nandito kaya ang mangyayari, sa dalawang kama ay tig-tatlo, at doon naman sa isa'y dalawa.
Hmm, sino kayang hindi naghihilik at malikot matulog sa mga 'to? Kay Kym na lang ako tatabi. Or kay Monay, masarap yakapin 'to, malaman-laman. Or si Karla na mahaba, parang hotdog pillow, ayos 'tong bantayan ng hita.
"Grabe. Sana talaga payag sina mama bukas." Rinig kong daing nila habang nakasandal sa dulo ng kama't nanonood ng TV.
"Hanggang ngayon lutang pa rin ako. At last, nagkasama rin tayong lahat. Baka mamaya panaginip ko lang 'to, sampalin niyo nga ako dali." Humarap ako kay Lai na.. "ARAY!" at sinampal nga ako ng adik.
"Hindi naman malakas ah! Sabi mo kasi sampalin ka namin." Tumawa siya. Lumapit sina Ira at akmang sasampalin nga ako pero in-ekis ko na ang dalawang braso ko sa kanila. "Ang bubrutal niyo oy!"
Tumayo muna ako sa kama't lumapit kay Monay na nakatayo sa may drawer. Niyakap ko siya sa likod. "Oh Ja, anong drama ‘yan?"
"Wala lang. Masanay na kayo sa’king nangyayakap." Ang totoo niyan, gusto ko siyang yakapin dahil thankful ako sa kanya. Kahit mas matanda ako sa kanya ng 3 years ay nagpakamature siya sa’kin noon sa pag-aadvice at pagdamay sa pagiging Problematic Girl ko.
"Naks, unggoy nga." - Byron.
"Pato kaya 'to." sabi ni Monay habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Aso ‘yan si Ja!" sabi naman ni Karla.
"Duck kaya!" - Ira.
"’De! Mas prefer ko ang daga." - Lai.
"Ano ba kayo, ginawa niyo namang hayop si Ja. Panget lang okay na." dagdag ni Kym.
Dinamba ko na silang mga nakahiga sa kama. Mga walang hiya, napakasalbahe talaga nila sa’kin.
Habang nakapatong ako sa likod nina Karla, Kym, at Lai, humigang patagilid naman si Dwain sa kabilang kama’t itinukod ang isang siko niya sa kama.
"Gansa." Dumila effect pa. Natigil ako ng tingin sa kanya nang banggitin niya 'yon. Pero para makaiwas sa pagiging pre-occupied, sinimangutan ko na lang.
Nagsihanda na kami para matulog. Unahan pa sa CR ang nangyari. Habang naghihintay sa iba'y kinutingting ko naman ang mga gamit sa kitchen. Kasama ko sina Ira, Kym, at Dwain.
BINABASA MO ANG
Brainless Heart
أدب المراهقين"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...