8 - Sleeves and Erasers

4.4K 111 33
                                    

Kabanata 8
Sleeves and Erasers
Temang Musika: La Da Dee (Cody Simpson)

♡♡♡

Marami akong katanungan sa buhay. Pero sa lahat ng ‘yon, ang pinakamahirap sagutin? ‘Yun ay ang tanong na: Bakit? Bakit siya?

♡♡♡

Kasalukuyan kaming nagliligpit ng pinggan ni Monay. Kakatapos naming mag-breakfast. May ipinadalang lumpiang shanghai si nanay sa’kin kasabay nung gamit ko kahapon kaya may naluto kami.

“Oy Ja, an’yare? Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Dwain kanina na walang nangyari kagabi. Ano ‘yon? Sinundo ka lang niya? Eh bakit ka ginabi?”

Paktay. Nang-hotseat na. Hindi kasi binanggit ni Dwain sa kanila na nalasing ako. He covered for me.

“Galing lang ako kay Filan. Nakuha ko na ‘yung gamit ko sa bahay nung tanghali pero ‘di muna ako umuwi kasi baka wala pa kayo dito.”

“Akala ko sabay kayo umalis?”

“Dapat siya maghahatid sa’kin sa bahay kaso, may puputahan pa daw siya. Pwede daw niya akong ihatid, kaso baka gabi na niya ako madaanan. Kaya sabi ko kina Filan na lang ako magpapahatid-sundo.”

“Dapat sumama ka na sa kanya. Gabi ka rin naman dumating eh. Tsaka sabi mo ayaw mo pa bumalik dito kasi baka wala pa kami. Dapat sumama ka!” ani ni Kym.

“Sa’n naman daw siya pupunta?” tanong ni Monay.

“Ewan.” Nagkibit-balikat ako.

“Baka naman sa an—.”

“Jase.” Nagulat kaming apat nang biglang sumulpot si Dwain. Shocks!

Napansin niya siguro ang biglang pagtahimik namin. Bakit naman kasi may lahi yata siyang kabute!

Nag-angat ako ng kilay sa kanya. Hawak niya ‘yung phone ko. Nasa kanya nga pala kasi nakatulog ako kagabi. Sa sofa kami nakatulog. Buti na lang at dumistansya ako nun bago sumandal. Hoo.

“May tumatawag.” Pinakita niya sa’kin. Si Paolo. Naaligaga agad ako kasi puro sabon pa ‘yung kamay ko. Naghanap ako ng punasan pero huli na kasi pinindot na ni Dwain at nilagay bigla sa tenga ko ‘yung phone ko. Sh~t!

Nagsiubuhan sina Monay. Gusto ko nang lamunin ng lupa. Bakit ba siya ganyan? Simpleng actions lang naman ‘yun. Umayos ka, Ja.

(U-Uy P-Paolo.) I trembled. Dwain effect. 

Nakatingin rin siya sa’kin habang kinakausap ko si Pao. Si Mona nama’y nagpatuloy na sa pagbabanlaw sa mga pinggan at baso. Sina Kym ay bumalik muna sa sala na nakita kong mga nakangisi.

(Nakalimutan mo na? May event sa Guild natin. Nagpromise kayo ni Rian na papanoorin kami.)

(Oo nga pala!) may event sa isang mall. Pero boys lang magpeperform mula sa org namin.

(Sunduin kita d’yan?)

(Anong oras? Pwede ko silang isama?) nabatid ko na ang pagkacurious sa muka ni Dwain.    

(Oo naman! 2 PM ang start.)

(Sige. Ite-text na lang kita kung susunduin mo kami. May kotse kasi si D-Dwain eh.)

(Aww. Pinalitan mo na ako na bodyguard mo at si Filan na driver mo? Ouch.)

(Siraulo!) nagtawa na lang kami. (Sige na. Babush!)

Brainless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon