3 - Tensyon

4.7K 115 19
                                    

Kabanata 3
Tensyon
Temang Musika: Astronaut (Simple Plan)

♡♡♡

Remind yourself to keep the best decisions because there are only three destinations in life - the "worth it" risk zone, the safe haven, and the dead end.

♡♡♡

Dumiretso ako sa table muna nina Filan na malapit sa stage. Umupo muna ako saglit sa kanila. Nagulat ako kasi may mga drinks sa table nila. Sa'n sila kumuha nito? Dala nila or mayroon talaga dito sa convention? Alam ko bawal dito 'yun ah. Sa malamang, dala ni Filan. Nakalagay sa bote ng Mountain Dew eh. Not saying a single word, kinuha ko ang bote ni Rian.

"Isang lagok lang." Bago pa niya ako napigilan ay nainom ko na 'yon.

"Ja! Gusto mo bang umuwi agad? Lasing ka na niyan maya-maya."

"OA mo Fai. I believe, SanMig Light lang 'to. Kalma. 'Saka isang lagok lang naman."

"Binilang ko, nakatatlong lagok ka. At 'di ka sanay uminom. Unless on purpose." Pagdugtong pa ni Rian at ngumisi pa.

"E 'di, 'yun na ang 'isang lagok' para sa'kin." At ngumisi na lang rin ako sa kanila. "Kalma na. I-enjoy na lang natin 'to."

"Ikaw ang mag-enjoy Ja." ngumuso si Paolo doon sa table ng mga kaibigan ko.

"Opo. Ito na nga po. Asan bag ko?" sumenyas si Rian sa'kin doon sa backstage.

Pinalipas ko muna ang games bago ako tumungo ako roon at kinuha ang bag ko. Sakto't dinner time na kaya wala na munang nagtatanghal.

Tumingin ako sa table nila, parang inugatan na ako dito sa kinatatayuan ko. Gusto kong itapon ang paa ko para pumunta na doon. Kaya ko 'to.

"Lai! Lumaki ka na ah!" biro ko sa kanya at walang pakundangang niyakap siya.

"Langya ka Lambot! Ikaw maliit pa rin?" tumayo siya na ambang aasarin pa ako pero iniupo ko na bigla. Nagtawanan naman sina Mona.

"Pasalamat ka sa heels mo Ja!" sabi naman ni Ira. Niyakap ko rin siya bigla. "Grabe, ang blooming mo yata ngayon Rah? Chika mamaya ah."

Nagmadali akong lumipat naman ng yakap kay Karla. "Hoy gf! Syet 'wag kang tatayo, upo ka lang d'yan." Ang tangkad kasi ng babaeng 'to. Kahit nakaupo lang siya, feel kong magmumuka akong anak niya 'pag tumayo siya. "I miss you gi-ep!

"Babawi ako ngayon. Anong gusto niyo? Kiss saan? Sabihin niyo lang."

"Yuck." Sabayang pagbigkas nila. Mga loko talaga. Ngumuso na lang ako't nagtawa. Lumipat naman ako kay Byron. "Hoy! Kumusta na!" niyakap ko rin siya tulad ng ginawa ko sa tatlo.

"Ang pangit mo nga pala Ja. Seryoso." Sabi niya. Walanghiya. Unang pagkikita naming walo ito tapos agad-agaran pinagtrip-an agad ako.

Nagtawa nanaman sila at nang-asar. Sabi na eh, dapat hinanda ko ang sarili ko sa pang-uulan ng trip nila.

"Uuy! Bebelabs! Pa-kiss!" lumayo naman ang muka ni Kym nang umamba akong iki-kiss siya sa pisngi. Hinawakan ko 'yung mukha niya't k-in-iss nang mabilis si Kym.

"Ang manyak mo talaga Ja. Parang 'yang t-shirt mo! Wala kang pinagbago."

"Miss na miss ko kayo grabe."

Kumawala ako ng yakap kay Kym at tumayo naman sa gilid ni Mona. "Hi miss. Anong name mo?" ngumiti pa ako ng malapad.

"Ayokong sabihin, pangmaganda kasi eh." sinoot pa niya ang 'pang-asar look'.

"Boom panes ka pala kay Monay eh." Nagtawa na lang ako at sinugod siya ng mahigpit na yakap.

"Hindi ka naman pala poker face sa personal eh, gumagalaw 'yung muka mo oh."

Brainless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon