9 - Enchanted

4.7K 120 16
                                    

Kabanata 9
Enchanted
Temang Musika: Marry Me (Jason Derulo)

♡♡♡

Life is not a daydream. Life is an everyday of living a dream.

♡♡♡

Sabay kaming naglakad paalis ng NBS pero mas nauuna siya nang kaunti. Though we're close, I can still feel I'm miles away from him. Mabilis akong maglakad sa totoong buhay, pero ngayon, parang gusto kong bagalan. Bumagsak ang tingin ko sa kamay niya. What does it feel to hold your hand, Dwain?

Gusto ko man 'yong hawakan, syempre hindi pwede.

Nagulat na lang ako nang lingunin niya ako at ginulo ang buhok ko. Bakit daw ako tulala at parang wala sa sarili. Hinila na niya ako at ang lalo pang nakapagpatindi ng lahat ng iniisip ko ay nang akbayan niya ako habang naglalakad. Pasakal man at hindi romantic, still, naka-akbay pa rin.

Matapos ang event ay nagyaya sina Pao na kumain kasama ang mga kaibigan ko. Libre daw nila nina Fai at Will. Ang galante boys.

Habang kumakain ay giliw na giliw naman ang Eskepiks kina Paolo't Filan. Parehong joker. Dumagdag na rin kami nina Byron.

"Matanong ko pala, Byron at Dwain, hindi pa naman ba kayo pinagsasamantalahan ni Ja?" walangyang sabi ni Paolo.

"Grabe ka!"

"Nako! Kawawa 'yang dalawa kay Ja!" panggagatong ni Karla.

"Sina Dwain at Ja nga, hindi na natutulog sa kama! Sa sofa sila lagi." - Kym.

"'Oy ano ka! Natulog ako sa kama nung first night!"

"Ayan ah! Sa sofa gusto. Sabagay, komportable din ang pwesto sa sofa." - Filan.

"Hoy! Kumakain oh! Sisimulan niyo ng ganyang topic!"

"Wooh! Gustong-gusto mo nga ang ganung topic!" - Byron.

"Nako! Si Ja talaga, loveteam ang lahat!" - Rian.

"Kanino kayo? Botohan tayo dali! Jailan, Japao, Jawill, Jayron, o Jawain?" - Paolo.

"Daming alam nito! At talagang pinartner mo rin ako sa sarili mo 'no?"

"Ako Jailan ako!" - Filan. Tss.

"You wish!" nag-bleh ako sa kanya.

"Jawain ako!" - Lai, Kym, Karla. Hala ka?

Nagkatinginan kami ng katapat kong si Dwain. "Yuuuuck!"

"'Wag niyo akong i-partner sa gansa."

"Lalo naman ako. Ayoko sa itik."

Nagsiubuhan sila. Hala sige mabilaukan sana kayo!

Pagkatapos ng kaina'y naghiwa-hiwalay na rin kami. Sabi ni Rian, para mas makabonding ko 'yung pito. Umalis na sila kaya naglibot-libot kaming Eskepiks. Nakakita pa kami ng stall ng charms, bumili kami ng bracelets. Syempre sa pangunguna ko. Ang korny daw pero bumili rin naman sila. Iba-ibang kulay kami at syempre akin na 'yung color Green.

Namili na rin kami ng kaunting food, naglaro, at nag-window shopping. Mga 8 PM na kami nakauwi sa hotel. Dala ni Byro't Karla ang netbooks nila. Kaya tinignan namin kung anong oras ang opening time ng EK bukas.

Nagkantahan lang kami buong gabi at nang patulog na, nagsihigaan na sila. Wala pa pala akong permanent na kama. Wala pa kasi akong matinong tulog sa kama. Tumabi na lang ako kina Monay.

Enchanted Kingdom Day! Yey!

Gumising kaming maaga dahil mahaba-habang biyahe ang aming tatahakin.

Brainless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon