2 - Big Word

4.4K 123 15
                                    

Kabanata 2
Big Word
Temang Musika: My Hands (Leona Lewis)

♡♡♡

Equality ba kamo? Eh bakit 'yung mahal mo, hindi ka mahal?

♡♡♡

Dumaan muna kami sa KFC para may energy mamaya sa event.

Umorder sila at naiwan ako dito sa table namin. Kukunin ko dapat 'yung phone ko sa bag para tawagan sila Kym kung nandoon na sila pero napukaw ang atensyon ko nitong flash drive. Takot nga ba akong may makabasang iba, o takot lang akong maiwala ko ang memories naming dalawa? Nasapo ko na lang ang utak ko. Hindi na ako dapat nag-iisip ng ganito. Sabi ko nga 'di ba, I already started viewing things upside down.

Pagkatapos naming kumain, may inabot sa'kin si Filan. "Boss Ja oh, para uniform tayo mamaya."

"T-shirt?" isang black v-neck shirt.

"Oo para pare-pareho tayo."

Binuklat ko naman 'yung shirt. "Takte ano 'to? Maligalig?"

Pa'no ba naman? May nakaimprentang bold white na salitang MALIGALIG doon sa shirt. Takte nakakagreen.

"Okay lang 'yan. Eto yung amin oh." pinakita nila sa'kin 'yung kanila.

Kay Paolo nakalagay MATIGAS, kay Filan MASARAP, kay Will MALAKI, at kay Rian MALAGO. At sa ibaba non ay cursive font ng Jailan Pariawill. Face palm! Humalakhak ako. So isinama pa nila ang name ng grupo namin. Gusto nilang malamang malilibog kami sa Jailan? And what an effin term I used. Kaloka!

"Mga balahura kayo! Dinamay niyo ako sa ka-green-minded'an niyo!" humagalpak ng tawa 'yung apat.

"Wooo! Isa ka pa Ja, 'wag mong ikahiya ‘yan!" nagtawanan pa kami. Madali naman akong kausap, hindi ko ikahihiya ang pagiging green... minsan lang ah.

Nag-CR na kami dito. Sinaklob ko na yata ang buhok ko 'wag lang makita nung mga tao doon. Nakakahiya! Sila Rian naman mukang proud na proud pa sila sa suot nila. Mga siraulo.

Nakarating na kami dito sa SMX Convention Center. Ang laki. Pero ang kaibahan sa unang beses kong pagpunta dito last year, may mga tables na, mukang marami ngang dadalo. Kaming band pa lang ang nandito at organizers na busy sa registration, sa entrance, sa paghahanda ng mga pagkain, sa pag-aayos ng tables at lights, at iba pa. May stage rin dito. Ang gara lang. Sa likod ng stage ay mayroong napakalaking kurtina na nagsisilbing harang sa isa pang silid. Dressing room at backstage na rin marahil. Doon kami nag-stay ng band at ibang performers. Na-meet rin namin ‘yung hosts na napakahumorous. Isang gay at isang babae na parehas maboka.

Sumilip ako sa kurtina't nakikita kong nagsisipasukan na ang mga bisita. May ilan ngang nagpipicture na, 'yung iba nama'y nasa registration pa. Sinara ko na 'yung kurtina't umupo muna.

Siguro matatagalan pa 'to bago magsimula. Iidlip muna ako.

"Boss Ja, gising!" namulat ako bigla nang niyugyog ako ni Filan.

"Start na ba?"

"Oo, in 15 minutes. Halika dali, asan ba dyan si Dwain mo?" hinawi niya nang kaunti 'yung kurtina dito sa gilid.

Tinignan ko naman, dumami na ang tao. Ang dami na, mga nakaupo na rin sila sa kani-kanilang tables. Nahagip naman agad ng mata ko ang table ng Eskepiks. Wow, kumpleto. Kym, Mona, Lai, Karla, Ira, Byron, at si... Dwain. I never expected na pupunta siya. Magkakakwentuhan silang pito. May bakanteng upuan, hinihintay siguro nila ako. Hindi kasi nila alam na magpeperform ako dito. Wow, Dwain's here.

Brainless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon