Ala-ala 9

5.2K 108 5
                                    

Ika-siyam na Ala-ala
Martyr
Temang musika: Sad Song (We The Kings ft. Elena Coats)

♡♡♡

Ang love ay parang bola. 'Pag binato mo nang tama, maganda ang talbog pabalik sayo. 'Pag binato mo naman nang malakas, baka masapul ka pa. Nasaktan ka na nga, hawak mo pa ang titolong tanga.

♡♡♡

November 4.

Pasukan ko na ulit. Pinilit kong salubungin nang masaya ang 2nd sem ko. V-in-a-vacuum ko muna siya sa utak ko sa araw na 'to pero may lahi yatang lumot 'yun, ang lakas makakakapit.

Pag-uwi ko ng bahay, syempre wala pa namang assignments kaya naglibang na lang ako. Nakatext ko nanaman siya. Gandang gawain ko 'no?

"Uy, pag may problema ako, pwedeng ikaw ang lapitan ko 'di ba?"sabi ko sa kanya sa gitna ng pagtetext namin.

"Oo naman. Bakit?"

"Wala, insurance ko lang. Haha."

"Haha teka, bakit ako agad? Bakit hindi sa iba?"

"Kasi ikaw lang naman napagsasabihan ko sa mga gan'to, eh. Ikaw lang matino kong nakakausap. Saka, ikaw ang pinakaclose ko sa Eskepiks. Kasi 'di ba, nakakausap ko sila pero sabay-sabay sa chat, eh sa'yo one-on-one. 'Yung HS kong barkada naman minsan ko na lang makausap. 'Yung college friends ko naman ngayon, ewan ko ba pero hindi ko lang talaga feel maglabas sa kanila. Okay na 'ko sa happy samahan namin. Saka isa pa, mas feel kong magsabi sa taong hindi ko pa nakikita sa personal. Bakit, ayaw mo ba?"Honest kong sagot sa kanya.

"Ahh. Natanong ko lang naman. Wala akong sinabing ayaw ko! Haha."

"'Yan good. Akala ko ayaw mo, eh. Saka isa pa pala, wala na akong hiya sa'yo. Walang-wala. Haha!"

"Walanghiya ka naman talaga eh. Haha. Syempre, walanghiya rin ako eh."

Nagkaroon ako ng assurance ngayon sa kanya na kapag kinailangan ko siya, nandiyan lang siya para sa akin. Kahit doon man lang, kuntento na ako. Saka masaya. Well, a bit.

Dumaan pa ang mga araw na pinipilit ko ang sarili kong makuntento na lang sa kung anong meron kaming dalawa. Ang pagkakaibigan. Though ramdam na ramdam kong nagbago na talaga kahit papa'no, minsanan na lang kami magkausap.

Kasi nga, may girlfriend na.

Sabi nila, kapag minahal mo ang isang taong hindi mo pa nakikita, malalim ang pagmamahal na iyon. Tulad halimbawa kay Tatay God, kay Bespren Jesus, hindi natin sila nakikita pero mahal na mahal natin sila. At ang pagmamahal na 'yun, ay walang katulad—a profound love.

Bakit ako umabot sa ganito? Sabi ko noon ayoko 'di ba? Pero bakit humantong ako sa ganito.

Siguro nga totoong kapag lalo mong inaayawan, lalong ipipilit sa'yo.

Malas ko lang, ang mahal ko, may mahal na palang iba. Hindi ko man lang napansin na sa halos limang buwan ko siyang kadaldalan, may nililigawan o may minamahal na pala siya. How very lucky of me to feel this kind of pain. Napaka talaga. Napaka ko. Napakatanga.

November 14.

Sabi ko sa sarili ko, hindi na muna ako magloload. Sa Pasko na lang ulit. Pero wala eh, monthsary ng Eskepiks ngayon. Ako pa naman 'yung taong hindi nakakalimot lalo na't 7th friendsary na ng barkada.

Nag-GM ako sa kanila. Sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Pasasalamat and all. Pati 'yung inaasam naming meet-up, I'm looking forward to that.

Kahit ngayon, hindi pa rin nagbabago ang isip ko sa pagka-excite sa meet-up namin kung magkataon. Hindi porke nasaktan na ako ay dahilan na 'yon para ayaw ko na siyang makita.

Brainless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon