May isa lang po akong wish, kung sino man po nagbabasa pa nito, I hope you won't mind voting the chapters. Or better, commenting. 'Yun na lang po ang reward na mahihiling ko sa inyo. Pasayahin niyo po ang malungkot niyong author. Kahit smiley lang kapag natuwa kayo sa UD or sad face naman 'pag nalungkot kayo. (nagdrama nanaman ako hahaha) Ayun lang, thank you kyutikels. ♥
==========
Kabanata 7
Eyes, Nose, and Lips
Temang musika: Treacherous (Taylor Swift)♡♡♡
Hindi ko alam kung anong mas masakit, ang tanggaping hindi kita kayang malimutan o tanggaping hindi mo ako kayang mahalin kailanman.
♡♡♡
Matapos ang commercial ay pinipilit ko pa ring ibukas ang umiikot kong paningin. Kahit hindi ko makita nang maiigi ang TV ay naririnig ko pa rin si Vice Ganda kaya tawa nanaman ako nang tawa. Nakahandusay na ako dito sa sofa at 'di ko na alam kung nag-iinom pa ba si Fai, nanonood ng TV, o ako ang pinapanood niya.
Sa gitna ng pagtatawa ko'y nakarinig ako ng samu't saring boses. Hindi ko na alam. Parang binibiyak ang ulo ko.
"Anong ginawa mo sa kanya?"
"She's drunk. I-uwi mo na siya. Take care of her."
Ano bang mga tunog 'yun? Parang mga bubuyog ang naririnig ko. Wala na akong maintindihan. Nakapikit na rin ang mga mata ko. Para akong lumilipad. 'Yun ang nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako nakahiga, hindi rin ako nakatayo o nakaupo. Lumilipad nga yata ako.
Sa panaginip ko ay nakakita ako ng isang telepono na may note na nakalagay. Kausapin mo ako. Sabihin mo ang mga naiisip mo. Okay ka lang ba?
Sinong kakausapin ko? 'Yung telepono? Wow! Anong lugar kaya ito. Buhay yata dito ang mga non-living things.
Kinuha ko ang telepono at nagsalita doon kahit wala naman akong kausap sa kabilang linya.
"Hindi ko alam."
Ha? Anong hindi mo alam?
May narinig akong boses. Hala! Nagsasalita nga yata itong telepono! Ang galing!
"Hindi ko alam kung anong mas mahirap, 'yung ikaw ang iiwan o ikaw ang mang-iiwan. Hindi ko alam kung anong mas okay, ang magmahal o maging manhid na lang at walang nararamdaman. Hindi ko alam kung anong mas nakakaiyak, ang malamang laan ka sa iba o malamang mahal pa rin pala kita. Hindi ko alam kung anong mas masakit, ang tanggaping hindi kita kayang malimutan o tanggaping hindi mo ako mamahalin kailanman."
Sinong tinutukoy mo? Anong nangyayari?
"Hindi ko alam... hindi ko alam."
Wala na akong narinig na boses. Hindi na yata ako kinakausap nung telepono.
Nagising akong masakit pa rin ang ulo. Madilim na at malamig. Luminga ako't napagtanto kong nakahiga na 'ko sa kama. Sinong nagdala sa'kin dito? Lumingon ako sa kaliwa ko... si Byron. Mahimbing na ang tulog. Bumangon ako, nakita kong katabi naman ni Byron si Dwain. Nakatalikod siya kaya di ko makita ang muka niya. Tumingin ako sa girls sa mga kabilang kama, tulog na rin sila.
Kinuha ko ang cellphone na nasa side table. Di ko alam kung kanino. 3:23 AM na pala. Bumangon ako't pumunta munang kusina para uminom ng tubig. Nagdahan-dahan ako para 'di sila magising.
Napansin ko ang gamit ko sa gilid. Si Dwain kaya ang nagdala sakin dito? Ayoko nang isipin. Nakita ko ang katabing gitara. Kanino itech? Kinuha ko 'yon at pumuntang balkonahe. Sinarado ko ang glass door at inayos ko ang kurtina para hindi sila maalimpungatan at para matakpan ako. Baka kasi pag nakita ako ng isa na nandito ay magising na sila lahat. Sound proof naman kaya hindi sila magigising.

BINABASA MO ANG
Brainless Heart
Ficção Adolescente"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...