Kabanata 11
Books and Tears
Temang Musika: Ever Enough (A Rocket To The Moon)♡♡♡
Fear is one good example of a negative imagination. It's just a product of our over-capacitated minds. It's a mere choice. Don't let yourself drown in fear.
♡♡♡
Natulog lang ako buong tanghali hanggang hapon. Kulang rin naman kami sa tulog at isa pa, wala sina Dwain, Monay, at Kym. Kaya habang naghihintay, natulog na lang kami nina Lai.
Pagkagising ko'y naabutan kong nakadapa't tulog si Dwain sa kanan ko, at si Karla naman sa kaliwa ko. Dumating na pala 'yung tatlo. Hindi ako makagalaw dahil naiipit ako sa dalawang damulag na 'to. Asan kaya 'yung iba, natatakot kasi akong gumalaw, baka magising sila. Hmm... Amoy popcorn! Nagluluto yata sila ng popcorn! Pero setting my excitement aside, nasa kanan ko si Dwain! My goodness! Pumikit ulit ako. Pipilitin kong matulog ulit para mayakap at madantayan ko si Dwain. Which is a good idea, kasi dinantayan ko siya't niyakap mula sa likod niya at nagpakalunod muli sa aking mahimbing na tulog.
Ten minutes to eleven na. Kanina pa kami tapos sa movie marathon. Tatlo ang pinanood namin-The Fault In Our Stars, Miracle Cell in No.7, at para may pambawi sa iyakan session, pinanood rin namin ang Friends With Benefits. Nakatakip lang ako tuwing "censored scene". Joke! Takip-takipan lang kaming walo. Pero ako tawa lang nang tawa tuwing may ganoong scenes.
Pagkatapos ng movie marathon ay dumiretso agad ako sa balkonahe. Hindi ko alam kung balak na ba nila matulog pero hindi pa kasi ako tinatamaan ng antok kaya magbabasa muna ako ng libro.
Kung may nakalimutan akong dalhin kasama dito, 'yon ay ang panyo. Hindi ko nanaman napigilang umiyak dahil sa pagbabasa.
"Umiiyak ka nanaman? Lagi na lang, ah. Hindi kaya maubusan ka ng luha niyan?" sabi niya pagkasara ng pinto ng balkonahe at tumalon mula sa likod ng sofa para tabihan ako.
"Nagpapatawa ka ba? Hindi ka talaga good joker." pagngiti ko pa.
"Bakit naman ako magpapatawa? Sige lang, iyak ka lang. Itodo mo ah?" sabi pa niya. Tuluyan na akong nangisi at hinampas siya sa balikat.
"Bakit ba kasi?"
"Naiyak lang ako dito sa libro. Pangalawang beses ko na 'to binasa pero naiyak pa rin ako. Try mong basahin."
"Ayoko. Why would I choose to read sad stories if there's a lot of fun books out there? Alam mo Jase, it's a choice. Hindi ko ba maintindihan ang tao minsan. Kung ano pa 'yung nakakalungkot, 'yun ang pinipili nila. People tend to drown in the wrong ocean."
"Easy for you to say. Totoong may choice, pero pa'no mo pangangatawanan ang choice na 'yon kung sarili mo na mismo ang kumakalaban sa'yo? That everytime you start trying to fight it, you always lose."
"Eh 'di 'wag mong kalabanin. Bakit mo kasi lalabanan, eh sarili mo nga 'yon 'di ba? Unless masokista ka. Ang gawin mo tulungan mo ang sarili mo. Instead of fighting it, help it so you can win your own battle. Choose wisely. And as for books, basahin mo 'yung masasaya, 'wag 'yung malulungkot."
"Eh pa'no ko pipiliin ang isang bagay na hindi ko pa alam? Buksan ko ang plastic ng bawat libro? Hindi sapat 'yung summary sa likod para malaman kung anong mood ng storya 'no!"
"No it's not. There are things na unang tingin mo pa lang, alam mo na kung malulungkot ka roon o sasaya ka."
Effin' second meanings again. Ano 'yung term sa ginagawa namin ngayon? Hugot?
Ako, mukhang halata ang mga hugot. Eh siya, sa'n siya humuhugot ng mga sinasabi niya ngayon? Is he still talking about books only? Nagtaka pa nga ba ako eh adviser ko nga pala siya dati. Takbuhan ko ng advices at sermon noon.
BINABASA MO ANG
Brainless Heart
Novela Juvenil"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...