IKALAWANG BAHAGI
Temang Musika: Human (Christina Perri)Heart for sale.
Kasagsagan ng kabiguan ko sa pag-ibig, halos lahat ng maisip ko sa kawalan ay gusto kong gawin at subukan noon. Dati nga dumating ako sa puntong gusto ko nang ibenta ang puso ko.
Kaso ang problema, hindi lang basta kasing cliché ng salitang “broken” ito kundi mas suitable sigurong ituring na, damaged and needs massive reconstruction.
Ang dati kong healthy heart, nauwing sugat-sugatan. Kinulang pa nga yata ng band-aid mabuo lang muli at bumalik sa dati. Pero oo nga pala, lahat ng dati hindi na kaya pang ibalik, lahat ng nakaraan hindi na pwedeng lingunin. Bakit? Simple lang—Ang buhay ay walang fast-backward, walang pause, at walang fast-forward.
Hindi pwedeng balikan, hindi tulad ng larong bomb-sack na my time-first, at hindi rin nagtatime travel sa future. Play and stop lang ang mayro’n sa buhay at pag-ibig.
“The damage has been done” at “past is past”—dalawang pahayag na totoo naman pero hindi pwedeng magsilbing isang stop-over. Kaya nga nauso rin ang mga salitang “remedy” at “moving-on”.
At sa mundong ito, walang permanente. Walang forever. Walang happy ever after. Lahat kayang-kaya kang iwan—kahit pa ang pamilya mong kinagisnan, kaibigang nangakong laging nandyan, at mga taong tumaga sa batong “walang iwanan”.
Natutunan kong magpakatatag, kaya nga’t heto ako, hindi na magpapatinag. Ayoko na. Bumangon na ako, hahayaan ko pa bang madapa akong muli? Masubsob at masaktan? I don’t think so.
Kung tutuusin, kayang-kaya naman palang mapalitan ang—inspiration, magic, at love na ‘yan ng—pagkain, pagkabusy, at pagmamahal sa sarili.
Kung dati sobra akong nakakapit sa paniniwalang may magic of love at wagas rin ako makalambitin sa thought ng true love, well, nilimitahan ko na ang sarili ko sa mga ganyang bagay. I struggled to view things upside down—different perspective, different point of view, different mind-setting.
Noon: Love has nothing in between, it’s either masaya ka o nasasaktan ka.
Ngayon: Love has always been in between. Kumbaga sa isang pelikula, hindi sapat na makuntento kang mapanood lang ang umpisa o huling part. Para malaman mo ang buong kwento, panoorin mo nang buo.
Love can’t just be a prologue or an epilogue of a story. For you to understand it clearly, all sides, all edges, all parts, all holes, all corners—literally or figuratively speaking—ALL ABOUT LOVE—you have to deal with it, you have to embrace it, and you have to hold a grip for it. Stand for love.
‘Wag mo lang basta simulan, tapusin mo ng may paninindigan.
Love is not just staying at the start nor at the end but also keeping the journey in between it always alive.
Dati mayro'n akong shungang puso. Mag-experiment naman tayo.
Ibahin na natin, kasi ngayon I am proud to say and believe that my brainless heart now turned and evolved into a bolder, wiser, and stronger... Undying Heart.
“Ja, tara practice na ulit.” Isinantabi ko na ang notebook kong sinulatan ko ng mga cheche-bureche at iba pang ka-ek-ekan ko sa buhay. Wala eh, sa pagsusulat ko nailalabas ang mga salitang hindi ko kayang bigkasin maging ang mga nararamdaman kong hirap akong ipahayag. Sa lahat ng sinulat ko ngayon sa notebook, isa lang yata ang hindi talaga naialis sa’kin—ang espiritu ng kakornyhan na talaga namang kay lakas yata ng kapit sa akin. Undying heart, psh! Korny ko.
======
*nagshield dahil baka mabato ng tinapay sa bitin na update* Loljk! :D
BINABASA MO ANG
Brainless Heart
Genç Kurgu"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...