Ala-ala 11

4.6K 127 21
                                        

Ala-ala 11
Epiphany
Temang musika: Come Back Be Here (Taylor Swift)

♡♡♡

Ang pag-ibig ay kasing-ilap ng panaginip. Minsan akala mo totoong-totoo na, hanggang sa magigising ka na lang na minulat mo lang pala ang sarili mo sa isang kalokohan at sa isang mahagupit sa hirap tanggaping katotohanan.

♡♡♡

January.

Bagong taon na, at mukang nagbagong buhay na nga rin siya. Hindi na kasi siya nagpaparamdam. Hindi ko alam kung bakit sa isang kisap-mata, nawala na siya.

Huling group text message na nareceive ko mula sa kanya ay noong December 23.

Good Afternoon!

Nahuli rin. Haha. Thanks for helping me, my sister! Really, we have to be careful. Gut feelings are always right hoho.

I’m done. Thank you. Not going to trust anymore. Haha :)

Hi!
- dwain <3 =))

Yan ang huling group text message na nareceive ko mula sa kanya. Napuno ako ng katanungan sa GM niya. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ako doon o wala.

Days passed. Inunahan niya yata ako sa pag-iwas. Hindi ko alam ang nangyari. Ni hindi ko alam ang dahilan niya kung bakit hindi na siya nagparamdam. No texts. No GMs. He even deactivated his dumb account on FB. Sa dumb twitter naman hindi na rin siya nagtu-tweet. Nung tinetext ko kung kumusta na siya, hindi naman siya nagrereply.

Para bang he’s keeping a distance from us...

From me.

Dumaan ang new year, hindi man lang niya ako binati. Tanggap ko pa na hindi niya ako binati nung pasko kasi wala naman silang Christmas. Pero ‘yung new year, pagsalubong sana sa bagong taon, kahit batian man lang ng magkakaibigan pero wala. What do I expect? Hindi nga naman talaga obligado ang isang kaibigan na batiin ang kaibigan niya ng Happy New Year.

Siguro’y dahil doon sa nakita niya sa chatbox ng Eskepiks noong December 23 rin.

Magkachat kasi kami nina Kym. Marahil ay nagbackread siya at nabasa ang, ‘Tang ina Ja. Iniisip mo nanaman si Dwain.’

Nabanggit ko kasi ang pangalan niya sa convo. Pinangaralan tuloy nila ako. Tinutulungan rin kasi nila akong makausad mula kay Dwain. Siniwalat ko sa kanila ng ang totoo kong feelings for him noong December 8 kaya alam na nila ang pinagdadaanan ko.

Ang mali ko lang nang araw na ‘yon, doon pa kami nag-usap tungkol sa kanya. Hindi naman kasi siya pala-online, hindi ko akalaing bigla siyang susulpot sa chatbox.

Siguro nabasa niya at na-conclude (or nag-conclude) na agad siya na mahal ko siya o ano. Kung sakaling nabasa nga niya, at nalaman na nga niya ang totoo... Is that enough reason para layuan niya ako? Para iwasan niya ako? Ako na kaibigan niya? We were close.

THISCLOSE.

Tapos all of a sudden parang bulang mawawala. And the worst part, he’s silent about it. Hindi ko alam ang nasa likod ng pagkawala niya. ‘Di ba’t ang sakit sakit non? O baka nga naman kasi, ako lang ang nag-assume na close kami? Na para sa kanya hindi naman pala. Pero pambihira naman, bilang tao, ramdam mo sa sarili mo kung itinuturing kang malapit na kaibigan ng isang tao. At sa kalakalan ng REAL AND TRUE friends, hindi applicable ang theory sa Accounting na ‘Don’t assume unless otherwise stated’ kasi hindi naman yata tamang tanungin kung “Uy ‘di ba close tayo?” kasi may mga bagay na hindi na kailangang sabihin, at may mga bagay ring alam mo na agad sa actions pa lang ng tao.

Brainless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon