4 - Hindi Kita Namiss

5.1K 115 27
                                        

Kabanata 4
Hindi Kita Namiss
Temang Musika: Me With No You (Bowling For Soup)

♡♡♡

Why pretend when you're not even good in hiding feelings to yourself? Absurdity wasn't really an option to apply or even try.

♡♡♡

Napatigil ng pagsubo 'yung pito at tumitig sa akin. "Oh, bakit?" tanong ko.

"'Di nga?" sabayan pa nila.

"I said I'm happy. Ayaw niyo?" ngumisi ako't sumubo ng kanin.

"We're talking about lovelife. So masaya ka? It means?" ani Monay.

Tumango ako't mabilis munang inubos ang nasa bibig ko. "Yep! Single is happiness." Ngumiti akong muli sa kanila.

Halos mapansin ko namang mapasandal sila sa sinabi ko. Dismayed, huh?

Napatingin naman sila dito sa katabi kong tahimik lang na nasa pagkain ang atensyon.

Bumalik na lang rin kami sa pagkain. Nanahimik kami ng ilang sandali at sa sandaling 'yun ay damang-dama kong ang iniisip nung anim ay 'yung tungkol sa amin ni Dwain. Mali pala. 'Yung tungkol sa 'kung ano si Dwain sa'kin'. Hindi ko alam na magiging ganito pala ka-big deal ang simpleng pag-uusap namin o simpleng actions ko towards him. Lahat may malisya. What can I expect nga naman? I heaved a deep sigh.

"Eh ka-MU Ja? Manliligaw? Kwento na! Nagkwento na kami kanina oh. Ikaw ang in demand ngayon sa grupo." humalakhak pa sina Kym. In demand? Oh, please. Kailan pa ba hindi? Ako nga pala 'tong laging may issue sa buhay.

"None and yes. Secret naman ang sagot ko sa follow-up question niyo after this." Simpleng sagot ko. Alam ko kasing tatanungin nila kung sino eh.

"Oh?" - Lai, Byron, and Karla.

"'Di nga? May nanliligaw sa'yo?" - Mona.

"Weh? I can't believe it!" - Kym.

"Hala Ja, seryoso?" - Ira.

"Na-shock ako. Meron ng nagkamali?" sabi ni Dwain. Putres ka talaga. But at least, hindi na kami awkward sa isa't isa.

Sarap nilang batukan ng planggana isa-isa. "Ok fine, I was joking. Sino nga ba namang magkakamali, 'di ba?" sabay baling ko ng ulo kay Dwain na sumubo ng ice cream niya. Sarap tusukin ng tinidor.

"Sabi na eh." Sabi pa niya't umiling-iling. Nakakagigil. Argh! Sabagay, noon pa man hard na 'to sakin. 'Di pa rin ba ako sanay? Or nalimutan ko na rin kung paano masanay?

Sina Mona nama'y nag-aabang pa rin ng sagot ko. Sila 'tong hindi makapaniwala kanina kung meron tapos ngayong sinabi kong wala hindi rin sila makapaniwala. Pambihira. Bakit si Dwain, naniwala agad na talagang wala? Ganun talaga siguro ka-obvious para sa kanyang wala ngang magkakamali sa akin. Cruel as ever.

Natapos ang dinner at nagpatuloy ang event. May mga pa-games ulit at iba pang common na ginagawa sa meet-ups. Sa lahat ng 'yon sobra akong nag-enjoy. Dati iniimagine ko lang na kasama ko 'tong mga baliw na 'to, pero ngayon totoong-totoo na. Kwentuhan dito, asaran dyan, tawa everywhere. Kay Dwain naman, I've decided na I'll treat him like there were no flaws. Pinakita ko sa kanyang malinaw pa rin para sa aming kaming dalawa ay magkaibigan. Chill chill lang.

Hindi na rin ako nagtatanong ng tungkol sa nakalipas, kung anong nangyari sa kanya o ano. Ayoko kasing sirain ang moment, at paniguradong kapag pinag-usapan namin iyon ay magtatanong din ang Eskepiks. I don't want to spoil this night.

Brainless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon