10 - Again and Again

4.4K 114 12
                                        

Kabanata 10
Again and Again
Temang Musika: Somebody To You (The Vamps ft. Demi Lovato)

♡♡♡

There’s only a thin line between friendship and love.

♡♡♡

Kasalukuyan kaming nagbiya-biyahe pabalik sa hotel. We’ve had so much fun today. Oras naman para mag-relax kaya heto nga’t mga tulog na parang bugbog-sarado ang Eskepiks. Ako ulit sa front seat. Tulog na sila kaya naman mahina lang ang music.

                          

“Uncomfortable?” nagitla ako sa biglang pagka-usap sa’kin ni Dwain na tutok ang atensyon sa daan.

“Ah hindi, ‘pag nagising kasi ako, minsan ‘di na ‘ko makatulog ulit. Ikaw, gusto mo magpahinga muna? Ako na mag-drive.”

“Marunong ka?”

“Hindi.”

“Hay nako. Matulog ka na lang ulit.”

“Ayoko, baka mamaya drawing-an mo ‘yung mukha ko, eh.”

Nagtawa siyang bahagya. “Good idea but I won’t do that. I’m driving. See?”

“Pwede mo namang itigil muna ang sasakyan tsaka mo ako draw-drawing-an, ‘di ba? Malay ko ba. Ayoko.”

Nakita ko ang pagkurbang muli ng labi niya. “Sigurista ka, ah.”

“Syempre! Wala na nga akong mu’ka, tapos papapangitin mo pa lalo.”

“Haven’t you remembered what I told you before?” kumunot ang noo ko. “Maraming taong pwedeng humila sa’yo pababa, tapos ikaw tinutulungan mo pa sila.”

“Ahh. Tanda ko. Lahat naman ng sinabi mo sa’kin, tandang-tanda ko. Word by word.”

Napatinging mabilis sa’kin si Dwain. Nagulat rin ako sa nasabi ko kaya nginitian ko na lang siya. Nagpatuloy naman siya sa pagdri-drive kaya namayaning muli ang katahimikan. Ngunit bago pa sumunod ang watawat ng awkwardness ay nag-isip ako ng idudugtong.

“Pero para sa’kin kasi, minsan ‘yung pahayag na ‘yon ay parang iniiiwas ka sa katotohanan. Na kahit hindi naman talaga, iisipin mong ‘Oo’. Na lahat dapat iniisip mong mabuti, maayos, at maganda ang kahihinatnan. Na para lang naman ‘yon maging positibo. Pero ‘di ba? Minsan mas mainam na pahayag ‘yung ‘truth hurts’? Gaya na rin ng sabi mo noon. Kasi ‘yon, mas totoo. At para masanay ka rin sa word na ‘acceptance’. Kaya kahit masakit ang iba, kailangang tanggapin na lang talaga at sikaping maging maligaya. Mali pala. Hindi kailangan, kundi dapat.

“Jase...”

Lumingon na ako sa kanya, “Hmm?”

“May pinagdadaanan ka ba?” Oh God. Kung may pinagdadaanan daw ba ako. I feel like I was just caught off guard.

I shrugged. “Ewan. Siguro parte lang ‘to ng growing-up. O ganito lang talaga ako. ‘Di ba nasabi ko na rin sa’yo, malalim akong tao.” Namilog ang mata ko pagkatapos kaya mabilis kong dinagdagan, “Walang second meaning ‘yun ah! Deep person, ganun.”

Bahagya nanaman siyang natawa. “Hindi ako green-minded tulad mo.”

“Hoy! Tayong walo ay mga GM! ‘Wag kang magmalinis d’yan!”

Umiling na lang siya. Kinuha ko naman ‘yung tubig ko sa bag. Uminom ako’t pagkatapos ay inalok siya.

Brainless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon