Kasalukuyan
Balanse
Temang musika: Gone Too Soon (Simple Plan)♡♡♡
Buti pa ang storya, pwedeng pwedeng gawan lahat ng kasiguraduhan. Samantalang ang realidad, hindi mo alam kung ano nga kaya talaga ang kahihinatnan.
♡♡♡
Natapos ang isa nanamang pagtatanghal ko kasama ang Jailan Pariawill. Nakakatuwa dahil nakikita ko nanaman ang mga ngiti at tuwa sa mga manonood. Wala talagang patid ang saya kapag alam mong mayroon kang napapasaya.
“Apir guys! Success nanaman!”sabi ni Filan. Nag-apir apir naman kami at mungbatang nagtatalon sa galak.
“Powerhug naman d’yan!” dagdag ni Rian.
Nanatili muna kami doon sa mall at tinapos ang show. Isa nga pala iyong K-pop event, naimbitahan lang kami na magperform. At dahil malapit rin naman sa puso ko ang k-pop music, nanood na rin muna kami doon. May contest pa ng mga cover groups kaya nakakatuwa. Natapos siguro around 6 PM na ‘yung event.
Matapos magpack-up, umalis na rin ‘yung iba naming kasama sa Guild. Kami na lang lima ang natira.
“Tara guys, sleepover kay Filan.”Sabi ni Paolo.
“Oo nga tara.” Pagsang-ayon ni Rian.
“Ikaw boss Ja, ano game ka?”
“Ah ehh.” kinuha ko ‘yung phone ko at tinignan ang schedule ko.
[April 23]
Umaga – pupuntang Piyu para mag-enroll at kumuha ng COR. 4th year here I come!
Tanghali – lunch date with friends
Hapon – practice ng performance para sa isang event
Gabi – may pupuntahang party
“Pasensya mga boss, ‘di ako pwede. Daming lakad bukas.”
“Aww. Kawawa naman ang baby girl. O sige, yaan mo, sesend-an na lang kita ng pictures ni Filan na tulog at nakanganga.” Malokong sabi ni Paolo. Binatukan naman siya ni Filan.
“He’s an owl. He’s active at night.” Panggagatong ni Will. Paakbay na sinakal tuloy siya ni Fai.
Ngumisi ako at kumaway sa kanila. “Sige. Una na ‘ko sa inyo. Ingat.”
Hindi muna ako uuwi dahil dadaan pa ako sa National Bookstore. Titingin-tingin ng pwedeng basahing book. Tutal bakasyon naman, pang-stress reliever lang.
Sa paghahanap ko, nakita ko ulit ‘yung mga librong napublish na mula sa Wattpad. Nakakatuwa dahil mukang naging effective talaga itong daan sa pagtupad ng pangarap ng ilang mapapalad na authors—at isa na ako roon. Ni hindi ko hinagap sa utak ko noon na makakapaglimbag ako ng sarili kong storya. It’s one big blessing from Tatay. Hindi man ako sobrang sikat na manunulat pero masasabi kong isa na iyong pribilehiyo at tagumpay para sa isang tulad kong maraming pangarap. Despite of all I’ve been through, hindi pa rin ako nakakalimutan na ulanan ng grasya ng Maykapal. And I am so thankful for that.
Samantala, nakuha nanaman ang atensyon ko ng mga librong Para Sa Hopeless Romantic, Para sa Broken Hearted, Wala Namang Forever, The Fault In Our Stars, If I Stay, at marami pang iba. Hinding hindi ko pwedeng makalimutan ang ilan sa mga librong ‘yon dahil sila lang naman ang kaagapay ko noon at ang laki ng naging impact sa akin. Nakakaloko nga eh, dahil sa halip na Fantasy books na lang at iba pang happy books ang basahin ko, sinaktuhan ko talagang ang mga ‘yon ang basahin kasabay ng pag-eemote ko sa buhay noon.

BINABASA MO ANG
Brainless Heart
Teen Fiction"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...