Ikapitong Ala-ala
Ready
Temang musika: Three Words (Before You Exit)
♡♡♡
Sabi nga, "Don't expect, you'll only get disappointed." Pero bakit ganun, hindi naman ako umasa pero heto ako, hindi lang nadismaya, nasaktan pa nang sobra.
♡♡♡
October 26. Sunday
Kaarawan kong Maligaya
Dear Green,
Green, oh ano? Nakita mo ba 'yon? Grabe. Nang mabasa ko 'yung makadamdaming message niyang 'yun, muntikan na akong maiyak dahil sobrang lakas lang maka-HIMALA, kaso walang tumutulong luha. Mas nangibabaw kasi ang pagkatuwa ko. At sabi pa niya, "on your 15th birthday". Pinapabata ako. Green, kung marunong ka mag-add, plus 2 dapat 'yun. Sira talaga. Halos lahat talaga ng gawing mabuti ni Dwain, nagiging epic pa rin. Haha!
Akala ko talaga kinalimutan na niya. Pa'no ba naman kasi, anong oras na wala pa rin siyang paramdam. Pero 'yun pala, sinadya niyang magpa-late. And kung hindi man tumulo ang luha ko, I admit na nangingintab naman 'yung mga mata ko, teary-eyed kumbaga. At mantakin mo ba naman Green, akala ko walang paki o care sa'kin pero ano daw ang sabi niya? He is sorry for all the things na nakasakit sa'kin. Na he count me as one of his real friends kahit 'di pa kami nagkikita. Na he's not just happy pero "overjoyed" pa 'yung term na ginamit niya na I'm his friend. At eto pa, he treats me special. Kahit may halong asar pa 'yung "really special", special child daw kasi ako (tsk!), but still nakakakilig pa rin Green. ANONG SABI KO? Uhm, I mean, nakakatuwa pa rin Green. Hay nako, kung anu-ano na lang ang word na nafo-form! Erase!
At eto pa, may "we love you" pa. Sino naman kaya 'yung "we" na 'yun? If I know siya lang 'yun eh. JOKE! Syempre joke lang. Behave ako. Siguro 'yung "we" na 'yun eh gine-generalize niya sila ng Eskepiks. Ang saya saya!!!
Save the best for last ata ang peg niya. Nakakatuwa. Akala ko malulungkot ako this day kasi incomplete. Pero wala eh, kumpleto eh. Buong-buo ang araw ko. Dahil kay Dwain.
At sa Eskepiks. At sa FB friends. At sa twitter friends. At sa Instagram friends. At sa family ko syempre. At kay Tatay God at Bespren Jesus. Dami. Hohoho!
The next day.
Nagpa-confe ulit ako. Gusto ko kasi silang makadaldala't mapasalamatan after my birthday. Around 7 PM nagkabaliwan nanaman kaming walo. Tinawagan ko si Dwain, ang tagal sumagot. Nung sinagot na, ibang boses ang narinig ko. Tapos binaba ulit. After a moment, tinawagan ko ulit, and this time siya na sumagot. Pinsan niya pala 'yung nakasagot at may pupuntahan pala sila kaya 'di siya makakasama sa confe.
But I took a quick chance na magpasalamat sa kanya, mahiya-hiya pa, "Ah, itik, salamat pala kahapon ah."
Yak! Parang pa-tweetams kadiri! Hmm, hindi naman pala masyado. Tama lang. Typical na tono ng nagpapasalamat. Hay nako, napapraning lang nanaman ako.
"Ah. Wala 'yun. Kahapon lang 'yun."
"Ehh. Mabait ka na sabi mo. Araw-arawin mo na 'yan ah."
"Ayoko nga. 'Di mo na birthday."And I heard him giggled a bit. Asar naman! Sana lagi ko na lang birthday!
Sinama ko siya sa confe, pero ilang saglit lang umalis na rin siya. Nagpasalamat rin si Mona sa kanya habang nasa confe call.
Kahit sandali lang, narinig ko nanaman ang boses niya. Ang weird pero, I think isa na 'yon sa mga bagay na nakakapagpagaan sa loob ko. Ang marinig lang 'yung boses niya. 'Yung cute niyang boses.
BINABASA MO ANG
Brainless Heart
Novela Juvenil"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...