6 - Pancakes and Beers

4.7K 124 34
                                        

Kabanata 6
Pancakes and Beers
Temang Musika: Save Your Heart (Mayday Parade)

♡♡♡

Hindi lang lahat ng nakakulong ang gustong tumakas dahil minsan kung sino pang malaya, 'yun pa ang gustong kumawala.

♡♡♡

Ilang minuto pa lang nang umalis si Dwain. Sana masarap 'yung pagkaing bibilhin niya. How lame this thought of mine is.

Niligpitan ko na muna 'yung pinag-inuman namin, imimpis 'yung mga gamit dito, tumanga pa ng ilang saglit, 'saka ako bumalik sa dining table. Hinilig ko muna ang ulo ko sa mesa't pumikit--emptying my mind.

I see myself hugging him from his back. A view that I'm resting my head on his shoulder. And another scene where I'm lying on his arms. Mabilis kong iniangat 'yung ulo ko sa mesa. Pati ba naman pagpikit ko? Siya nanaman? At bakit naiisip ko nanaman siya? Bakit may words na "siya" at "nanaman"? Hay letse!

Lumipat ako sa sofa na nakatalikod sa pinto. Tagal niya! Nangangamba ako eh, baka... magutom na nang sobra 'yung tiyan ko.

Kinuha ko 'yung cellphone ko't nag-music na lang. Ito ang remedy ko kapag wala akong magawa. Ayoko kasing tumanga na lang kasi lumilipad ang utak ko.

Parang isang malaking pangitain ang biglang tumugtog pero nagkibit balikat na lang ako't sinabayan ang kanta.

♪ And he's long gone when he's next to me. And I realize the blame is on me'Cause I knew you were trouble when you walked in ♪

May biglang tumanggal ng earphone ko sa kanan. "Tama na ang concert!" May dala siyang supot ng grocery. Kagigising lang niya yet he looks dashing. I gulped with what I thought.

"Anong binili mo?"

"Walang masarap na fastfood sa paligid kaya sa grocery sa tapat na lang ako bumili. Pancakes, butter, eggs, cooking oil. Or you like rice?"

"May binili ka bang rice?"

"Wala."

"Edi 'yan na lang. Tinanong pa talaga."

"Pwede naman kasing bumili ulit ako sa baba. Ano nga? Rice?"

"'Wag na. 'Yan na lang. Bababa ka pa. Tsaka gusto ko rin 'yan." Ngumiti ako sa kanya pero mukhang 'di pa rin siya kumbinsido. Dapat kasi tinext niya ako. Ay, baka nga pala nagbago na ng number. At baka binura niya na rin 'yung number ko.

"Promise. Mahilig rin ako sa pancake! Ano na?! Game na, lutuin na 'yan!" kinuha ko 'yung supot mula sa kanya't nilagay sa mesa. Nakatingin naman siya sakin, nakapamulsa. Worried face?

"Huy! Masyado kang praning! Tara na, para makakain na tayo at makalarga na."

Dahil hindi ako magaling sa pagtitimpla ng pancake na 'yan, siya na lang ang gumawa. Pinanood ko lang siya habang nagmimix. Ngumingisi naman siya sa'kin at umiiling-iling. Pero may ginawa naman ako. Ako ang bumasag nung mga itlog at naglagay sa bowl. Ako rin ang tigaluto sa frying pan.

Kumain kaming dalawa. Ang tahimik nga eh. Tumitiklop ang kadaldalan ko. Nao-awkward ako. For the first time in forever. Nangangapa pa rin kasi ako. Adjustment period ang peg.

"Alam mo na pauwi sa inyo?" pagbasag niya sa katahimikan. Nabanggit ko nga pala sa kanya noon na hindi ako umaalis nang mag-isa. Laging may kasama. Natatakot akong mawala o maligaw. Takot akong mag-isa.

"Hindi ko nga alam ang sakayan mula dito eh. Baka mag-taxi na lang ako. Lalakasan ko ang loob ko. Ikaw ba?" At may paghawak pa sa puso ko. Dramatic queen lang.

Brainless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon