WAKAS
Temang Musika: All You Ever (Hunter Hayes); In A Song (Hunter Hayes); Sayo (Silent Sanctuary)
NOTE: This would be quite long. It's double my usual updates. But, you'll know why. :) Tsaka po kung sisimulan niyo ito, 'yung free time niyo na para walang distractions. Sorry hindi ko kayo nasabihan na 'this is it'.
Silent and loud readers, time to shine na! Sana mag-ingay kayo, please. Huhubels!
P.S. - 'Wag mag-skip. Kayo rin, baka may ma-miss. Damhin niyo ang last update. Haha! Pakibasa rin ang LAST NOTE ko sa huli. Enjoy :D
♡♡♡
I'll always be thankful, because that's simply what we are.
♡♡♡
I don't really know why I decided to attend to this event. May times na inisip kong pumunta sa mga Wattpad events, kaso nga lang, laging hindi natutuloy. Tsaka sobrang liit lang ng percent. Either busy rin ako o tinatamad ako. Pero ayos na rin, wala naman akong ginagawa and I need to wind up from stress.
Nakita ko ang mga kakilala ko kaya nilapitan ko sila. 'Yung iba nga, hindi pa ako masyadong nakilala. Well, hindi nga rin naman ako nagpapakita ng mukha sa kanila noon. Sa mga iilang tao lang. Na pinagkatiwalaan ko, pero sinira lang ang tiwalang 'yon.
Nilapitan ako nina... Kung 'di ako nagkakamali ay sina Mona. Kumpleto sila ah? Ay, wala pala 'yung isa.
"Dwain? Ikaw ba 'yan?"
"Hindi. Hindi ako." Nangiti pa ako pagkasabi.
"Gags. Kumusta na? Nagtext kami ah, 'di man lang nagrereply."
"Hindi na 'ko masyadong nagcecellphone eh."
Nagkumustahan lang kaming pito. Namiss nga daw nila ako dahil ang tagal kong nawala. Magaan silang kasama, pero hangga't maaari, ayoko nang masyadong mapalapit sa kanila. I've learned before.
"Uy text mo nga si Ja kung nasan na!" sabi ni Kym kay Mona. Oh, so pupunta pala 'yun.
"Dwain, text mo si Ja dali. Miss ka na nun! 'Yun ang pinakanaka-miss sa'yo!" saka ko nakitang nag-apir sina Byron at Mona.
Oh really. Miss. Okay.
"Wala akong load."
Napansin kong nagbago ang timpla ng ekspresyon ni Monaliza. "Magsabi ka nga ng totoo Dwain, anong meron?"
"Ha?"
"Galit ka ba kay Ja?"
"Why would I?"
"Ano nga?" dagdag ni Karla. Oh c'mon, mukang kino-corner nila ako.
Nagkibit-balikat lang ako at binaling ang tingin sa mga nagsisipasukan. Naramdaman ko ang paglala ng nagaganap nang pinagtaasan na ako ng boses ni Mona. "Dwain, ano ba kasing nangyari?"
"Saan ba? Wala nga."
Hinila niya ako palayo roon at wala akong nagawa kundi magpadala. Sumunod 'yung lima. Sa wala masyadong tao kami nag-usap usap.
"Alam mo ba kung anong nangyari kay Jastrine after you left?"
Halos matawa ako sa tanong niya. "Left? Why? Hindi ko naman siya girlfriend o kaano-ano para iwan ko." Bakas na rin ang pagkairita ko.
"Ay tang*na." Narinig kong bulong nina Byron.
"Wow. Kaibigan mo lang naman po siya para ipaalala namin sa'yo."
"Friend? May friend bang nagsisinungaling sa'yo?"
"Ano?"
"You mean, nagsinungaling sa'yo si Ja? Tungkol sa'n?" nagtinginan sila na naguguluhan.

BINABASA MO ANG
Brainless Heart
Ficção Adolescente"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...