Ikalabing-dalawang Ala-ala
Hanggang Saan
Temang musika: Invisible (Hunter Hayes)
♡♡♡
I would rather choose to be killed by the gun of noise than the knife of silence.
♡♡♡
March 29.
Hindi na ako natuto. Sabing 'wag nang pansinin, heto pa rin ako at sinubukan kung papansinin na niya ako.
I tweeted him, and it was a risk for me. Natatakot akong masaktan na hindi niya ako reply-an.
[ @Jastrine* : @Dwain* LIGHTBLACK! Graduate ka na? Kumusta kumusta? ]
[ @Dwain* : @Jastrine* oo. Ayos lang ]
But I was wrong... Kasi mas masakit palang tipid na tipid ang kanyang sagot. I still managed to continue, nagbabakasakaling maibalik pa 'yung dati naming samahan by talking to him the usual way.
[ @Jastrine* : @Dwain* An'daya bat ang silent mode mo? Congrats! Sus! May tanong ako, may lihim ka bang galit sa'kin? HAHA! ]
I waited for his reply, pero wala. Kaya binisita ko na 'yung profile niya para tignan kung nagtutweet pa ba siya. I was dumbfounded in sorrow when I saw his tweet.
[ @Dwain* : Well, bye. Need to focus on watching haha ]
Hindi na nga niya ako nireply-an, 'yan pa ang latest tweet niya. Halatang umiiwas.
Dala na rin siguro sa sakit dito sa lintek na puso, nakapagtweet rin ako. Mabasa man niya o ano pero wala ako sa sariling nagtweet rin ng akin.
[ @Jastrine* : Ignorance is my new bestfriend. Haha. Out muna. Need to uhm, need to focus on learning to ignore someone too. Haha. ]
Damn it! Hate that I love this guy so much.
Ngayon mas luminaw sa akin na may problema. Talagang may problema. Pero bakit naman ganun, bakit naman ganito. Hindi ko talaga alam kung anong nagawa ko. Noon ayaw ko nga lang sigurong tanggapin na may nangyari, na may problema, na may pinag-ugatan talaga ang biglang hindi niya pagpaparamdam. Gusto kong mainis sa kanya, pero hindi ko magawa. Mas naiinis pa ako sa sarili ko dahil sa pagto-torture na ginagawa ko.
Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito? Crying every night, hurting everyday, and dying everytime he's treating me like invisible.
Nalunod ako nang tuluyan, walang sumagip dahil naka-ahon yung taong mahal ko. Wala kami pareho sa tubig. At dahil nga hindi ko alam lumangoy, tuluyan akong nalunod. Dati hindi ko lang alam kung pano umibig, ngayon naman hindi ko rin alam kung paano kumawala. Ja, wala ka na ba talagang alam? Malas ko lang, we're not on the same page. Dwain feels like heaven with his love, and here I am.. drowning in hell.
Pakiramdam ko rin minsan, isa akong bahay. May bisitang dadating tapos mag-i-stay sa'yo. Masaya, feel at home, wala ng hiya. Na kumbaga, comfort zone mo na 'yung bahay. Na naging comfort zone mo na rin ako. Tapos bigla-bigla kang aalis ng walang paalam. At heto ako, hindi alam kung babalik ka pa.
Umaasang babalik ka.
Pero nakalimutan ko nga rin pala, bisita ka lang. Hindi ka permanenteng nakatira. Kaya malaya kang umalis kahit kelan mo gusto. Na hindi kita pag-aari. Pero kahit consolation man lang o pampalubag loob, sana nagpaalam ka.
It's either, "I'll be back" or "Thank you. I had fun. Sorry, I'll be gone for good. Take care of yourself."
Kaysa 'yung ganito. He left without a goodbye. Pesteng damdamin. Akala ko si Dwain lang ang bully, ang puso rin pala.
BINABASA MO ANG
Brainless Heart
Fiksyen Remaja"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...
