1 - Shadows

5.2K 135 22
                                    

Kabanata 1
Shadows
Temang Musika: Shadows (Westlife)

♡♡♡

Ang love ay parang alak. Nakakalasing sa hapdi o nakakalasing sa ligaya.

♡♡♡

April 24.

Papunta ako ngayon sa practice namin ng Jailan Pariawill para sa isang performance bukas. Kagagaling ko sa lunch date with barkada. Kaninang umaga nama'y nag-enroll na ako. Maganda na ang maaga para wala ng intindihin. Mamaya namang gabi, may pupuntahan akong party sa Fort. Overload! Hindi ko nga alam kung paano pa kinakaya ng powers ko ang madalas kong "full sched". Super girl lang ang peg.

"Oh game. Start na tayo dali!" pambungad ko pagkabukas ng pinto ng practice room namin pero wala pa pala 'yung mga ugok kong ka-practice. Ang usapan alas tres, sila pa ang nagdecide ng oras. 'Wag daw ako ma-late. Mga baliw talaga.

Pinatugtog ko 'yung background music sa speaker, inayos ang mic, at lumapit sa drums. Since wala pa naman sila, how about a little jam for a little while? Lalo na itong drums, ito kasi 'yung latest instrument na sinasanay ko. Sa grupo kasi namin, lahat marunong sa instruments. Hindi naman required na alam tumugtog ng gitara, piano, at drums, pero trip lang naming lima. Besides, doon kami mas kilala.

Sinimulan ko nang kumanta't tumugtog.

Last night I heard my own heart beating. Sounded like footsteps on my stairs. Six months gone and I'm still reaching even though I know you're not there.

"'Yun oh! Makapalo sa drums, natakot kami parang mabubutas na! May hugot! Voice check rin! Damang-dama ang pagkanta. At ang song choice, check rin! Uy si boss Ja, may namimiss!" umalingawngaw bigla ang maingay na bunganga ni Filan.

"Si Ja, nagmomove-on ang drama! Iniwan ng boyfriend ang peg!" Basag trip talaga 'tong sina Paolo at Filan.

"Ewan ko sa'yo Pao! Mag-judge ka na lang sa The Voice! Daming alam. At ikaw aling Rian, adik! Ba't late kayo?" sabi ko sa kanila

"Hindi kami late. Bumili kasi muna kaming pagkain. Eto oh, kain ka muna Ja. Kailangan hindi nagugutom ang nagmomove-on sa boyfriend." at nagtawa pa sila. Mga hinayupak.

"Hindi ko naman boyfriend 'yun, eh."

"Uuuy si Ja, may tinutukoy! Nang-aasar lang naman kami ah, wala kaming binabanggit na tao. Ikaw Ja ah!" humalakhak pa sila.

"Mga letse. Tama na kasi. Kung sa inaraw-araw eh gaganyanin niyo ako, sa tingin niyo, makakatulong kaya 'yang mga pang-aasar na 'yan?"

"Sorry na. Oh subo na ng pizza, say ahh!" sinubuan akong bigla ni Filan. Nagsunuran naman sina Paolo.

"'Saka isa pa, ang pagmomove-on ay hindi lang para sa mga naghiwalay, dahil 'yung iba nagmomove-on sa realidad na hindi sila mahal ng taong mahal nila."

Napatigil sila sa pagkagat ng pizza. Malalim yata yung sinabi ko. May hugot lang? Oh, nevermind.

"Nga pala, punta kayo mamaya sa party ni ate Cassie." Si ate Cassie, pinsan ni Rian. "Matatalakan ako nun 'pag 'di ako pumunta!"

"Ako oo. Kelan pa 'ko umayaw sa parties."

"Ang sabihin mo, maghahanap ka lang ng flavor of the night mo!" sabi ni Paolo kay Filan. Hay, forever playboy.

"Jasty, sabay na tayo pumunta sa party. Mag-heels ka! Maraming matangkad dun!" ani Rian.

"Sira! Ayoko magheels, ang hassle. Kung puwede nga slippers na lang eh."

Brainless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon