Ikasampung Ala-ala
Payo Lang
Temang musika: Synesthesia (Mayonnaise)♡♡♡
Ang pagmomove-on ay parang pagtawid sa lubid. Minsan gusto mo nang tumigil at bumalik na lang pero ayaw mo rin namang maiwan sa nakaraan. ‘Pag hindi naman buo ang loob mo ay mawawalan ka ng pokus kaya mahuhulog ka’t muling masasaktan. ‘Pag nakatawid ka nama’y pakiramdam mo’y nahugot na ang tinik sa ‘yong puso. Ngunit iyong tandaan, mahugot man ang tinik, may butas at pinsala pa ring maiiwa’t maiiwan. Malalaman mo lang na nakausad ka na kapag wala ng epekto, wala ng sakit, at wala ng hapdi. Mahirap magmove-on. Mahirap. Sadyang mahirap.
♡♡♡
“You’re my star. Invincible, haunting, and far.” Maiyak-iyak nanaman akong nakikinig ng music. Synesthesia, More Than This, Everything Has Changed, Puzzle of my Heart, at iba pa. Bakit parang lahat ng pakinggan ko, kaugnay siya? Siya lahat ang naiisip ko. Sa lahat ng ‘yan, siya ang naalala ko.
Taong ayaw sa Samsung, ginagawang collection ‘yung openers ng softdrinks in can (ginagawa daw niyang chain which apparently ay kapareho ko pa. Nag-iipon rin ako ng ganun, hindi ko nga lang ginagawang chain). Mga kulay na blue, gray, white, at black. Ateneo. San Beda. Chinese. Mais. National Bookstore. Starbucks. Westlife. 5’8. Chinito. Number 2 at 26. Buwan ng March. Anti-Chicser. Maka-Exo at SHINee. At marami pang iba. Lahat din ng ‘yan, nagpapaalala sa kanya. Minsan nga kahit mapatingin lang ako sa alapaap, siya nanaman ang naiisip ko. What the fudge.
Mag-Best Enemies kami. Sabi niya siya ang presidente ng club na mang-aasar at manghahard sa akin. Nakakatuwang isipin. At least may title kaming dalawa. Best enemies. Minsan naiisip ko nga, kaya ayaw niyang may mang-aaway sa akin ay dahil gusto niya siya lang. Siya lang ang enemy ko.
Siya rin ang superhero ko. Si Amazing Dwain. Madalas kong tinatawag sa kawalan ang pangalan niya, nababaliw na umaasang bigla siyang susulpot at ise-save ako. Gustong-gusto kong iligtas niya ako. Dwain, pwede mo ba akong ipagtanggol sa sarili mo mismo?
Siya rin ang itik ko. At ako lang ang gansa niya. Hayop siya, hayop ako. Maghayupan kaming dalawa. Kahit siya ‘yung tipong hindi pa-fall, nahulog naman ako. Kahit hindi siya ‘yung lalaking sweet at malandi, bumigay ang puso ko sa kanya. At kahit kaibigan lang ang turing niya sa akin, minahal ko siya. Napakamapanuya nga naman ng tadhana.
Pero ngayon, isa lang ang nararapat kong gawin, kailangan ko nang lumimot.
Ja, kailangan mo nang magmove-on. Seryoso, kailangan mo na talaga.
Pero ganoon nga ba ‘yun kadali? Lalo na’t siya ang first love ko.
Kung alam niya lang, napakasincere kong magmahal. Well, siguro? Sagad kasi eh, mukang wala na nga akong naitira sa sarili ko. Pero ano ba namang silbi nun kung hindi ka naman mahal ng taong mahal mo diba? Useless. Useless na nga, pasakit pa. Wala na ngang silbi ang pagmamahal na ito, nagagawa ka pang saktan at durugin. Letseng pagmamahal ‘yan, pwede ba kitang kagalitan kahit minsan? “Napakawalanghiya mong pagmamahal ka.” Ayan, salamat sa oportunidad na pagalitan ka kahit ngayon lang.
Para akong timang.
Ganun naman talaga ang buhay eh. Panay ang hagupit ng pagsubok na kailangan mong labanan at lagpasan. But this time, paano? Paano ba ito lagpasan?
Move-on.. pano ka ba simulan. Paano ka nga ba isakatuparan? Ang masaklap pa sa kalagayan ko, magkaibigan kaming dalawa. Lalo na, napakarami ring bagay sa paligid ko na nagpapaalala sa kanya.
In my case, parang nahahati ako sa dalawa.
Ang Love Side, at ang Friend Side.

BINABASA MO ANG
Brainless Heart
Novela Juvenil"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...