13 - Thank You

4.3K 125 22
                                    

Kabanata 13
Thank You
Temang Musika: Daylight (Maroon 5)

♡♡♡

Ang utak madaling turuang magtanga-tangahan. Pero ang puso? Goodluck na lang kung kaya mo 'yang diktaha't pagtakpan.

♡♡♡

Matapos naming manood ng UAAP cheerdance competition ay naghanap agad kami ng makakainan. Hindi ko talaga hilig ang manood ng mga ganoon live kasi kuntento ma ako sa TV pero mapilit si Rian. Dinahilan pa niyang graduating naman na kaming tatlo ni Will kaya manood daw kami nang sama-sama. At nagdrama pa ang babae na gusto niya talagang makanood ng CDC kahit once in her life. Naenjoy ko rin naman kaya I have no regrets of coming with them.

Halos walang nagsalita habang kumakain kami dala ng gutom. Si Rian nga, sinulit ang unli rice. Naka-apat na balik ng kanin. Ang lakas kumain pero slim pa rin. Talo pa kumain si Will. Matapos nami'y nagpahinga pa muna kami roon.

"Jasty, tatanungin kita ah. Ano ba talagang tingin mo sa sarili mo?" seryosong tanong ni Rian.

Four months na rin ang nakalipas nang huli kong nakita sina Dwain. Hindi ako nagyayaya sa kanilang Eskepiks ng gala o meet-up ulit dahil alam kong nakauwi na sina Monay kaya 'di na ulit kami makukumpleto. Hindi naman pwedeng kami lang ni Dwain ang magkita.

Nagkakatext kami Dwain pero hangga't maaari, nililimitahan ko. Ayoko nang ibalik. Ayoko nang palalain. Kung bakit kasi nagtetext pa siya sa'kin ng "Hello" o "Hi" eh. I surely know na group message 'yon pero, nakakaasar lang talaga.

Wala na akong imik tungkol pa roon, pero heto't pinangangaralan nanaman ako ng apat. Ramdam pa rin daw nila na wala pa ring pagbabago sa'kin.

"Writer ka na may published book, matalino at competitive sa school, tapos talented pa. Ibang klase ang personality mo. Magaling ring magsalita, malalim mag-isip. Hanga ang marami sa'yo Jasty. Hindi mo lang namamalayan, you're already making a mark sa iba. Mayroon ka rin namang mukhang kayang ipagmalaki. Masyado mo lang dinadown ang sarili mo. Hindi underestimate ang term kasi alam ko namang 'pag kailangan, ginagawa mo talaga lahat. But this time, an'yare? Bakit parang hirap ka pa rin? Is this your biggest struggle in life? 'Wag Jasty. You've been hurt much enough." pagpapatuloy pa ni Rian.

"Pero alam niyo mga boss, kung ako ang tatanungin, aaminin ko na sa kanya. Ano pa bang kinakatakot mo? Wala naman ng mawawala sa'yo. 'Di ba sabi mo, umpisa pa lang naman, talo ka na. Kaya ano pang mawawala 'di ba? Masasaktan ka sa anumang reaction niya? You already faced the sun, Ja. The more na kinikimkim mo 'yan at tinatago, lalo mong ikamamatay. Learn to open up. Magna-nineteen ka na next month oh! Napapanahon na. At least masasabi mo pa sa sarili mong, you've done everything." ani Paolo.

"Hindi siya talo, kasi in the first place, she never even played the game. Kasi takot siyang matalo. And that means, she also doubted to win." pagsingit ni Will. Bumaling naman ang tingin niya sa'kin. "You're aware that you're weak, and I know you know yourself too well. But how about love? Do you know love too well? 'Cause love is too risky. That's what it is."

Natahimik pa kami ng ilang sandali dahil sa mga salitang binitawan niya.

"Ngayon lang ako nakaencounter nito. Si boss Ja ang patunay na kahit wala namang naging relasyon, mahirap pa rin magmove-on."

"O'nga Fai. Siguro may times nga talaga na mas mahirap mag-move on kapag hindi naging kayo nung taong mahal mo. Na kung pagkukumparahin ang isang Jastrine at isang Paolo, mas mahirap umasang maging kayo ng taong mahal mo kaysa iyong magkabalikan kayo ulit."

Brainless HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon