Ikatlong Ala-ala
WTH?
Temang musika: When It Rains (Paramore)
♡♡♡
Hindi mo man naisip o hindi mo man inakala, 'pag naglaro ang tadhana, siguradong mahirap nang kumawala. Huwag mong takasan, makipaglaro ka; dahil ang pag-ibig ay isang napakalaking laro-mas malaki pa sa Olympics, mas sikat pa sa basketball, at walang exemption dahil lahat tayo ay talaga nang kalahok.
♡♡♡
September.
FIRST day ng September, halos buong araw kaming magkalokohan. Mga gawain ng mga walang magawa sa buhay.
Ang text cycle namin ay karaniwang ganito: Asaran > Lalong asaran > magiging seryoso > Malalim na usapan > Sakitan/ Nagka-offend-an > Seryoso ulit > Baliwan/ Asaran > Matinong paalamanan.
May mga pagkakataon namang asaran nag-umpisa tapos magkakasakitan kaming dalawa sa huli. Aso't pusa. 'Anti-na-Pro' kami ng isa't isa.
Pero narealize ko, 'yun nga ang maganda sa samahan namin, eh. Baliwan lagi. Pero kapag deep topics, seryoso kaming dalawa, then may pag-aadvice pa. Yuck daw ako, yuck rin naman siya sa'kin-but that's just a part of bullying each other. And most importantly, no romance attached. Hindi kami sweet sa isa't isa. Well, maybe, pero in a different way.
Siguro nature na namin 'yon. Laging nagbabangayan pero in the end, lagi rin naman kaming nagkakasundo.
Sa lahat ng kaibigan kong lalaki, pinakamagaan ang loob ko sa kanya.And to tell you too... I don't know why.
'Di ko naman siya nakakasalamuha in real life pero I treat him that close na. Ewan, siguro kasi napakagaan niyang kausap. Nagkibit-balikat na lang ako. 'Nu ba 'to, pati mga ganto pinag-iiisip pa.
Teka nga, going back, katext ko siya ngayon. Actually kanina pa.
[ Dwain: Feelingera. ]
[ Ako: Salbahe! ]
[ Dwain: I know. ]
[ Ako: Assumero pa pala. Ay may balak pa ako sayo sa 15! Maghahanap tayo ng wanted girlfriend mo. ]
[ Dwain: Ayoko nga, meron na ako. ]
[ Ako: Ehh? Ows? Weh? Ohh? ]
[ Dwain: Oo, si Julia. ]
[ Ako: Ah, Julia Bareta? In your dreams pre! ]
[ Dwain: Hindi masamang mangarap. :p ]
[ Ako: Kaya nga in your dreams eh. Ineencourage nga kita. Aim higher, gawin mo na ring asawa. ]
[ Dwain: Yan! Haha. ]
[ Ako: Kaya lang may disadvantage ang sobra, baka sa huli masaktan ka. ]
[ Dwain: Okay lang, at least may time na naging akin siya. Proud na ko nun. ]
[ Ako: Sabagay. Pero dapat sa lahat ng bagay moderate kaya maraming sawi at bigo ngayon, eh. May mga sobra umasa, may sobra magbigay. Teka san ba patungo ito? Yeek. XD ]
[ Dwain: Eh bakit kasi sosobrahan mo? Minsan kasi nasa tao yan. :)) ]
[ Ako: Oo nga, tapos meron na ngang bawal pinipilit pa, umaasa pa, grabe makapaniwala sa magic of love. 'Yung iba naman may ibang mahal pero hindi mahal kaya 'yung nagmamahal sa kanila 'di nila naaappreciate. Ouch tuloy sila hahaha kakilabot tayo brad. Grabeng topic! ]
[ Dwain: May kaibigan akong ganyan. 'Yung gusto niya, may gf na. Tapos etong lalaki, pakita nang pakita ng motibo. Paasa ba. Pero mahal naman niya 'yung GF niya. At etong GF niya, bespren ko naman, na pinapabantayan sa'kin 'yung BF niya. Gulo 'di ba? Saklap. ]

BINABASA MO ANG
Brainless Heart
Genç Kurgu"Paano ba magmove-on? Forever process nga ba 'yon?" Story of a girl who's a first-timer when it comes to love, savoring the word "unrequited" at its finest. How far can her love go? Will it come to an end? Or will a new chapter in her life begins? ...