Chapter 4

4.7K 127 2
                                    

Warning

Kianna's POV

"Welcome to Hell Ms. Spencer" nakangising bati niya sakin. Siya ang president ng academy na to? Siya ba ang kinakatakutan ng mga estudyante dito? Tsk! Bakit sila natatakot sa lalaking to? Psh mga duwag pala ang mga estudyante dito. "Oh? Ikaw pala ang president ng academy dito. Well nice to meet you Mr. President" bati ko sa kanya. Muli itong ngumisi bago umupo sa kanyang upuan. "Take a seat first Ms. Spencer" utos niya saakin. "Hindi na ko mag-aaksaya ng panahon at oras dito. Kaya kung ano man yang sasabihin mo then tell me now! May klase pa ko" iritang sabi ko sa kanya. Hindi ko naman kasi balak makipag-usap sa kanya. Ayokong nagsasayang ng oras,panahon at laway dahil lang sa walang kwentang pag-uusap na to. "Masyadong matabil ang dila mo Ms. Spencer, hindi mo kilala kung sino ang kaharap mo ngayon at kung sino ang kinakalaban mo" seryosong tonong sabi niya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"I'm not scared of you Mr. President. Wala akong kinakatakutan kahit sino ka man, ano ka man." Matapang kong sagot sa kanya. "Your life is in danger Ms. Spencer mag-iingat ka" huling katagang lumabas sa mga labi niya bago ako iniwan. Hindi naman ako natatakot sa kanya. Sino ba siya sa akala niya? He is a president only. Except na lang kung makapangyarihan talaga siya.

Maya-maya pa ay lumabas na din ako ng kanyang office. Tiningnan ko ang orasan ko. Tapos na ang first subject and recess na. Habang naglalakad ako at nag-iisip sa kawalan, mga boses ng mga sumisigaw na babae ang aking narinig. Pumupunta lahat ng iyon sa iisang direksyon kaya sinundan ko ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Isang lalaking nakabitin patiwarik at duguan. Ano ito? Bakit may nangyayaring ganito sa eskwelahan? At sinong walang puso ang kayang gumawa ng ganyang kabrutal sa kapwa niya. Tumingin ako sa paligid. Wala roon ang president. Bakit wala siya dito? Dapat nandito siya. He is the President in this academy.

Pinuntahan ko siya kaagad sa kanyang opisina. Nakaupo lang siya sa kanyang upuan at relax na relax na parang walang nangyari. "May nakalimutan ka pa ba Ms. Spencer?" Tanong nito sakin. "Wala akong nakalimutan, pero ikaw Oo!" Sagot ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya. "Hindi ba dapat nandun ka ngayon? You are the President of this school! Dapat ikaw ang nag-aasikaso! Anong klaseng President ka?" Sermon ko sa kanya na ikinataas niya ng kilay. "You're right I am the President of this school, but that is not my obligation. Hindi ko pag-aasayahan ng oras ang walang kwentang bagay na yan." Sagot niya saakin. Sira ba siya? Walang kwentang bagay? Walang kwentang bagay para sa kanya ang buhay ng tao?

"Walang kwentang bagay? Wala lang sayo ang isang buhay ng tao? Anong klaseng nilalang ka? Hindi ka karapat-dapat sa posisyon mong yan! Wala kang puso!" Sigaw ko sa kanya at tumalikod. Palabas na sana ako ng magsalita ito. "You're right Ms. Spencer I am a heartless person, so don't you ever dare to say it again or else" "Or else what Mr. President?" "I will kill you" "Then do it, I'm not scared Mr. President" matapang kong sagot bago ko siya iniwan. He is a heartless person! Pano niya nagagawang hayaan ang mga ganitong pangyayari? Naglalakad ako ng may humila sakin. "Nababaliw ka na ba?" Tanong nito saakin. "Hindi mo ba alam ang kaya niyang gawin sayo? Baguhan ka pa lang dito! Wala ka pang masyadong alam" dagdag pa nito. "I know what he can do, I'm not scared of him. Kahit pa patayin niya ko" matapang kong sagot sa kanya bago siya iniwan.

Sino ba siya? Tsk! I am Kianna Spencer and I'm not scared of death. "Hi Ms. Spencer" bati saakin ni Madame Evilyn. "Good Afternoon Madame" bati ko din sa kanya. "May gagawin ka ba?" Tanong nito sakin. "Wala po bakit po?" "Gusto lang kitang yayain kung pwedeng sabayan mo ko mag lunch?" Pagyaya nito sakin. "Ah o sige po" sagot ko naman na ikinatuwa niya. Mabait sakin si Madame Evilyn. Naalala ko tuloy si Mommy sa kanya. My mom passed away when I am 2 years old. "Anong gusto mong kainin?" Tanong nito sakin. "I want to eat pasta, pizza and softdrinks" sagot ko naman kay Madame. Masyadong madaming nangyari ngayon, kaya its time to eat. "Treat ko to ngayon" sabi niya sakin. "Ah, hindi na po, may pera naman po ako" "Wag ka ng mahiya. Miss!" Tawag nito sa isang babae. "Yes Madame?" "Can I order pasta,pizza and softdrinks" sabi nito na agad namang sinunod ng babae. "Hindi po ba kayo kakain?" Tanong ko kay Madame. "Hindi na, mabubusog ako kapag nakita na kitang masaya" ani nito.

"Nandito na order niyo madame" sabi nito. Agad nagpasalamat si Madame Evilyn. Kakain na sana ako ng biglang may humawak sa dalawa kong braso. Napatayo naman si Madame Evilyn. "Pasensya na Madame pinapatawag po siya" sabi nito kay Madame. "Sino ang nagpapatawag?" Tanong nito. "Pasenya na Madame hindi namin pwede sabihin" sagot nito sabay hila sakin palabas. Shit ano nanaman ba to?

Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon