Mystery
Kianna's POV
Nalilito ako sa mga pangyayari. Bakit ang dami ng alam ni Ashley tungkol dito? Baguhan lang kami. Oo, may alam din ako pero di hamak na mas marami siyang alam. Siya din ang nagyaya samin dito. Hindi niya din naman daw alam ang tungkol sa eskwelahan na 'to nung tinanong namin siya kung bakit niya kami dinala dito. "Kianna? Okay ka lang? Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo mula pa kanina" nagising ako sa katotohanan ng magsalita si Van. Oo, pumayag ako na maglunch kami. Alam kong binalaan na ko ni Ashley tungkol dito pero malaki ang tiwala ko kay Van. Hindi man kami lubusang magkakilala ay tinuring ko na din siyang kaibigan. "Ah, sorry may iniisip lang. Nga pala nasan si Sky?" Tanong ko naman sa kanya. "Nandun sa office ni Blake" sagot niya at sinubo ang kanyang pagkain.
Nakatitig ako ngayon sa pagkaing inorder ko. Pasta at juice ang inorder ko. "May problema ba sa pagkain mo? Sabihin mo lang papalitan ko" nakatingin sakin si Van na nagtataka kung bakit hindi ko ginagalaw ang pagkain ko. Medyo natatakot pa rin naman ako kay Van. Mamaya kung anong nilagay niya dito. "Don't worry walang lason yan safe na safe." Natatawang wika nito.
Sinamaan ko ito ng tingin na ikinahalakhak niya. Psh! Nakakainis din 'to minsan. Para kang si Drake eh! "Oh, sorry na... Kainin mo na kasi yan. Lalamig pa yan mamaya" natatawang sabi niya uli. Inirapan ko na lang siya bago ko kinain ang pagkain. 'Yummy' "oh ano Kianna may lason ba?" Tanong nito sakin at tumawa. Ewan ko sayo! Hindi ko na lang siya pinansin at kumain lang ng kumain.
Pagkatapos naming kumain niyaya naman ako ni Van na pumunta sa Park para maglakad-lakad. Hindi na ko tumanggi. Gusto ko ang park. Favorite place ko kasi iyon. Binalot kami ng katahimikan habang naglalakad kami. "Kianna?" "Hmm?" Tumingin ako sa kanya. "Alam kong may nalalaman ka tungkol sakin. Wag kang matakot. Hindi kita kayang saktan. Wag mo kong lalayuan. Lalo na si Blake." Mahinahon nitong wika at tumingin sakin.
"Bakit?" Tanong ko naman. "Basta, ipangako mo sakin Kianna. Na kahit anong mangyari,kahit na anong malaman mo tungkol samin wag na wag mo kaming lalayuan. Ipangako mo Kianna kung kaibigan mo nga talaga ako" sagot nito at umiwas ng tingin. "Pangako Van" wika ko sa kanya. Muli itong tumitig sakin. "Noong una kitang nakita akala ko suplado ka. Nagkamali ako. Hindi ko din alam kung bakit ka nila sinasabihan ng kung ano-ano. Pangako Van anu man ang malaman at marining ko hinding-hindi ko kayo lalayuan." Seryosong nakatitig ako sa kanya. Napangiti na lang ito sakin at sinabi ang katagang 'salamat'
Nagpasya na kaming bumalik ni Van saaming mga dorm. Mahaba-haba din ang aming pinagusapan. Naglalakad ako ngayon. Wala na si Van. Malayo ang kanilang dorm saamin. Habang naglalakad ako may humila sakin. Napapikit ako sa sakit ng itulak niya ko sa pader. "Layuan mo sila Kianna, ipapahamak mo lang sila at ang sarili mo. Kung ayaw mong madamay ang mga kaibigan mo dito layuan mo sila Van. Ikaw ang magpapahamak sa kanila" nakangising sabi niya sakin. Siya nanaman? Ano ba ang ibig niyang sabihin? Hindi ko maintindihan. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad itong nawala sa paningin ko. Hinanap ko siya ngunit hindi ko na siya nakita pa.
Hindi. Hindi ko lalayuan si Van. Nangako ako. Bumalik na ako sa dorm. Sinalubong naman ako ni Summer at Drake. "Kanina ka pa hinahanap ni Zander san ka ba nagpunta?" Bungad naman sakin ni Drake. "Nag lunch ako kasama si Van" sagot ko sa kanila. "What? Do you mean Van Monteverde?" Gulat naman na tanong ni Summer.
Tumango na lang ako. Aalis na sana ako ng hilahin niya ang damit ko. "Hindi ka dapat nagtitiwala sa kanya Kianna" seryosong wika nito. Alam ko na kung san ito pupunta. Hindi ko na siya sinagot. Umalis na lang ako at pumunta sa kusina. Walang tao dito. Mas mabuti na iyon.
Bat ba ang daming alam ng mga kaibigan ko kay Van? Hindi nila kilala si Van! Argh! Ayoko ng ganito. Kailangan kong malaman ang lahat. Isa nanaman tong 'mystery'
BINABASA MO ANG
Hell Academy
Misterio / Suspenso"This is not an ordinary school" "Everyone needs to kill to save their lives" "Don't even dare to disobey his commands" "If you want to stay alive" "Welcome to Hell" Highest rank-#10 Mystery/Thriller