Chapter 16

2.3K 68 0
                                    

Danger

Kianna's POV

Tapos na ang aming klase at syempre ay sabay-sabay kaming nag recess ng mga kaibigan ko. At syempre lagi rin akong kasama ni Zander. Naalala ko tuloy yung sinabi niya saakin. Kinikilig nanaman tuloy ako! "Guys... Ano bang gusto niyong pagkain? Treat ko kayo?" Tanong naman samin ni Drake. "Totoo ba ito Drake? Manlilibre ka na? Oh My!!" Pabirong tanong ko sa kanya. "Oo bakit? Tingin mo wala akong pera?" Tanong naman nito saakin. "Oo eh, kasi lagi ka na lang nagpapalibre. Tsaka kung manlilibre ka man syempre sasabihin mo yung mura lang." Sabi ko naman sa kanya na ikinatawa ng mga kaibigan ko. Lagi na lang kasi ako ang nanlilibre sa kanila. Mga kaibigan ko kasi mga kuripot. "Guys let me excuse? Naiihi lang ako." Excuse ko naman sa kanila. Tumango na lang naman sila. "Ah nga pala? Drake yung kulang na pera ako na bahala dun." Sabi ko naman sa kanya. Kumuha ako ng 1000 sa wallet at binigay sa kanya. Ngumiti na lang ito. Tumakbo ako papunta ng cr dahil ihing ihi na ko.

Ng marating ko na ito ay pumasok ako sa bakanteng cr. Pagkatapos kong umihi ay naghugas ako ng kamay at lumabas na ng cr. "I said kill Zander Smith." Napatigil ako sa paglalakad.

"Bakit mo naman papatayin ang anak ko?" Isang boses naman ang narinig ko. Pinuntahan ko ito at nakita sina Madame Evilyn at Sir Fernandez. "Kailangan mo na siyang patayin Evilyn. Siya ang magpapabagsak sa Academy na ito." Sabi naman ni Sir Fernandez. "Hindi! Ayoko! Kung siya man ang magpapabagsak sa Academy na ito o kahit saatin tatanggapin ko ang kaparusahan." Ani naman ni Madame Evilyn. "Pwes, ako ang papatay sa kanya." Nakangising sambit naman ni Sir Fernandez na ikinakaba ng puso ko. "Hindi! Hindi niyo pwedeng patayin si Zander!" Sigaw ko naman sa kanila. Wala na kong pake kung ano ang gawin nila sakin. Pero hindi ko hahayaan na patayin nila si Zander.

Tumingin silang dalawa saakin. Lumapit saakin si Sir Fernandez na nakangisi lang. Pero bago pa man siyang may magawa saakin ay bigla nalang may humila saakin. Tiningnan ko kung sino ito at nakita ko si Blake. Pumunta kami sa kanyang opisina. Sinarado niya ang pinto at tumitig saakin. "Nababaliw ma na ba? Hindi mo na dapat ginawa yun! Pano kapag may ginawa sila sayo? Pano kapag sinak-" "Wala na akong pakealam Blake! Papatayin nila si Zander! Ayokong mawala si Zander! Mahal ko siya Blake!" Tumulo ang aking mga luha ng banggitin ko ang salitang iyon.

"Oo Kianna, alam kong mahal mo siya pero isipin mo din ang sarili mo! Pano ako? Ayoko ng mawala ka." Salita naman niya. Kevin/Blake o kung sino mang nilalang ka ayoko ring mawala ka. Tiningnan ko ito sa mata. "Wala akong pakealam sa sarili ko Kevin. Kaya ko ang sarili ko! Pero hindi ko kakayanin kung isa sa mga kaibigan ko ang mawawala! Nangako ako sa kanila. Nangako ako na kahit anong mangyari ay poprotektahan ko sila. Kapalit man ang buhay ko." Sabi ko naman. Bigla na lang sumakit ang aking ulo. Argh! Napahawak na lang ako sa aking ulo. "K-Kianna? Ayos ka lang?" Alalang tanong naman sakin ni Blake. "A-ayos lang ako" sagot ko naman tatayo na sana ako ng matumba ako at maging blanko ang lahat.

Blake's POV

Kaagad kong binuhat si Kianna. Bigla na lang kasi itong natumba. Tinawag ko si Van at Sky para gamutin ito. Silang dalawa lang ang maasahan ko sa mga ganitong bagay. "Kianna!" Biglang lapit naman ni Sky. "Anong nangyari sa kanya?" Tanong naman ni Van. "Bigla nalang siyang natumba ewan ko." Naguguluhang sagot ko. Kinuha naman nila ang kanilang wand. "By The Power Of Our Hearts and Mind let this woman be healed. Give her a power to be awake." Sabay nilang sambit. "Masyado siyang napagod kaya siya nagkaganyan mamaya din ay gigising na siya" sabi naman nila saakin.

Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon