Chapter 35

1.7K 46 3
                                    

Christmas Party

Kianna's POV

Gumising ako ng maaga at nag-ayos ng sarili. Sa wakas! Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat! Kung saan puro kasayahan lang at walang patayan. Mas lalo akong napangiti ng maalala ko ang nangyari kagabi.

Nag-unat ako at tumayo, at dumeretso sa cr at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng damit na binili ni Tyler.

Nagpatuyo ako ng aking buhok at pagkatapos ay inayos ko ang aking mukha. Naglagay ako ng make-up na babagay sa suot ko. Pagkatapos ay inayos ko ang aking buhok at sinuot ang sapatos at alahas. Nagpabango na din ako pagkatapos.

Ngumiti ako ng makita ko ang itsura ko sa salamin. "Whoah! Kianna ikaw na ba yan?" Halos matawa na ko sa reaksyon ni Drake. "Ano ka ba? Syempre ako 'to!" Napangiti ako sa nakita ko mula sa likod ni Drake.

Ang kanyang gwapo,maputi,matangos na ilong at ayos ng kanyang buhok. Shit! Ang gwapo talaga niya!

"Ahem! Kianna malulusaw na ako sa ginagawa mo." Napabalik ako sa reyalidad ng pitikin niya ang noo ko. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya. Halos mamula ako.

Narinig ko naman ang malakas na pagtawa ni Drake na sinamaan ko ng tingin.

"Nasaan sila Ashley?" Tanong ko sa kanila. Hindi ko din sila nakita kanina. "Auh, si Ashley may ginawa lang babalik din yun. Si Summer naman nanduon sa kusina kumakain." Sagot ni Zander.

"Eh? Nasaan si Brian?"
"Kasama ni Ashley." Sagot naman ni Drake. "Sige mamaya na lang mag-aayos pa ko ng sarili ko." Pagpapaalam naman nito saamin. Tumango na lang ako. Napag-isipan ko munang puntahan si Summer pero hindi pa man ako nakakahakbang.....

"Love, Can you please stay?" Ngumiti ako ng tawagin niya akong Love. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Sinong tinatawag mong Love?" Sacristic kong tanong sa kanya. Ngumisi ito at hinila ako palapit sa kanya. "Ikaw sino pa ba? Baka nakakalimutan mong tayo na." Bulong nito saakin.

Wala sa sariling napangiti ako. "Give me a reason to stay."
"I love you" Lumawak pa lalo ang mga ngiti ko ng marinig iyon.

"Sapat na bang dahilan iyon Love?" Tanong nito saakin at ngumiti na lang ako at tumango. Ngumiti ito at binigyan ako ng matamis niyang halik na sinagot ko naman. "Oh My Goshhh!!"

Napahiwalay ako ng marinig kong sumigaw si Summer. "Anong ibig sabihin nito? May hindi ba kami nalalaman?" Mas lalo lang akong kinabahan ng lumitaw sina Drake,Brian at Ashley.

"Guys, Kami na." Napangiti na lang ako ng sabihin iyon ni Zander. Nagulat ako ng sabunutan ako ni Summer. "Sira ulo ka talaga! kelan ka pa nagtago saamin? hindi namin alam na kayo na pala!" Kesa sa masaktan natawa ako sa inaasta niya. para siyang bata.

Agad namang inawat ni Zander at Drake si Summer. "Bro? kelan pa naging kayo?" Tanong naman ni Brian.

"Kahapon." Maikli kong sagot. "Paano?" Tanong naman ni Ashley pero nginitian ko lang siya. "Hindi niyo na pwedeng alamin love story namin yun noh!" Sagot ko sa kanya kaya hindi na sila nagtanong pa. Tiningnan ko naman si Zander na nakangiti saakin. Hayssss...

Van's POV

Ngayon na ang Christmas Party ng Academy. Kahapon lang namin nalaman dahil madami kaming ginawa sa labas ng Academy. Yeah, alam namin kung saan at paano makalabas ng hindi iyon napapansin nina Fernandez at Tyler.

Nagdala kami ng pang exchange gift dahil sinabi iyon ni Blake. kung sino man ang nakaisip nitong palabas na ito nakakatuwa siya.

Hinihintay ko na lang na lumabas si Sky, Masyado siyang matagal mag bihis ewan ko ba sa kanya. Ilang minuto din akong naghintay sa kanya bago siya lumabas. "Finally, natapos ka din. akala ko wala ka nang balak lumabas ng kwarto mo." Pang-aasar ko sa kanya.

Nginusuan niya lang ako bago maunang lumabas. Ibang klase. Chineck ko muna ang mga gamit na aming dadalhin. Wala naman kaming naiwan kaya lumabas na ako.

Naglakad na ako papunta sa gymnasium kung saan gaganapin ang Christmas Party. Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad saakin ang napakaganda na designs para sa araw na ito.

 Pagbukas ko ng pintuan ay tumambad saakin ang napakaganda na designs para sa araw na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumasok at lumapit na din ako sa gang ko at umupo sa napili naming pwesto. Ilang minuto din ang lumipas bago dumating ang grupo nila Sky at Tyler.

Ashley's POV

Nang matapos na ang lahat na mag-ayos ng sarili nila ay umalis na kami na kanya-kanyang bitbit ng regalo. Inisip at pinlano ito ni Kyle, natuwa din ako kasi muntikan ko na ding makalimutan isama itong exchange gifts.

Pero nagpapasalamat na lang ako kay Kyle dahil kahit papano napadali lahat ng plano ko. Syempre mas maganda din naman ang party kung may games? kaya nilagay ko na din. si Kianna na ang nag-asikaso for prizes.

Sama-sama kaming magkakaibigan except na lang kalila Zander at Drake na kailangang pumunta sa mga gang namin. Buti na lang kaming dalawa ni Kianna pwede pang makasama kaibigan namin.

Sana lang talaga maging maayos ang Party na ito.....

Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon