Chapter 30

1.7K 44 0
                                    

Dahilan

Kianna's POV

Masyadong masakit. Parang pinipira-piraso ang dibdib ko. Hindi ko alam kung pano niya ginawa saamin yun lalo na sakin. Ayoko muna siyang makita. Lalo lang akong nasasaktan. Hindi ko alam kung paano ko ititigil ang pag-iyak ko na kanina pa ayaw tumigil.

"Stop crying like stupid kid may dahilan siya." Hindi ko na inabala pang tingnan kung sino ang nagsalita because I know her. "Lahat ng bagay may dahilan Kianna, sa tingin mo gagawin niya yun ng basta-basta? He made a right decision. Pero dahil sayo nasisira ang lahat. He wants to protect you pero ikaw na mismo sa sarili mo naglalagay sa kapahamakan."

The Hell! Hindi niya ba ko titigilan? Tumayo ako at piniling iwan siya. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ng magsalita ito muli. "Wag mong gawing tanga ang sarili mo Kianna, alam mo ang pwedeng mangyari sayo kapag pinagpatuloy mo pa ang pinaplano mo. Hindi mo siya kaya."

Tila ba natigilan nanaman ako sa sinabi niya. Tama siya, alam ko na ang lahat pero bakit pinipili kong manahimik? Dahil alam ko kung ano ang pwedeng mangyari?

Kaya ayun din ang ginawa ni Zander? Dahil alam niya ang pwedeng mangyari? Bakit ngayon ko lang naintindihan? Kahit kelan talaga!!

"Pero kahit na! Masyado pa ring masakit ang ginawa niya! Pano kung namatay siya at hindi namin alam kung bakit? Gusto kong mag-wala! Gusto kong sumigaw! Sawa na ko Andrea! Hindi ko na nga alam kung kami pa ito eh." Tila isang ngisi lang ang isinukli saakin nito.

"Eh bakit ikaw? Sa tingin mo ba hindi masasaktan ang mga kaibigan mo sa ginagawa mo? Alam mo ang lahat pero sinasarili mo lang? Do you know na pwede ka ding mamatay dahil sa ginagawa mo?" Tama siya. Siguro nga dapat hindi ko din isinarili.

"May dahilan ako kung bakit ko ginawa yun!" Isang malakas na halakhak ang sinagot niya. "Bakit siya? Hindi mo ba naisip na may dahilan din siya kung bakit niya ginawa yun? Isipin mong mabuti Kianna." Tila ba tulala niya akong iniwan.

Tama siya Everything is has a reason.

Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon