Two Gang(Part 2)
Kianna's POV
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Inilibot ko ang aking mata. Medyo sumasakit ang aking ulo. "Kianna! Mabuti naman at gising ka na!" Bumungad sakin ang isang boses. Zander Smith.... "Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo? Ano ba kasing nangyari sayo?" Sunod-sunod na tanong nito sakin. Nginitian ko lang siya. I like that kind of Zander. "Anong nginingiti mo jan? Answer me Ms. Spencer" "Okay na ko Zander." Sagot ko sa tanong niya. Nagulat ako ng bigla na lang niya kong niyakap. "Don't do that again Kianna... Natakot ako, ayokong may nangyayari sayo ng hindi ko nalalaman. I want to protect you." Sabi naman nito saakin bago hinarap ang kanyang mukha sa mukha ko. "Zander, wag kang matakot. Kaya ko ang sarili ko. Wag kang matakot na baka isang araw mawala ako sa tabi mo. Kung mawawala man ako sa tabi ninyo na naprotektahan at nailigtas ko kayo magiging masya ako Zander." Sabi ko naman sa kanya.
"Ayoko Kianna, hindi ko kakayaning mawawala ka ng dahil saamin. Ako ang dapat na nagpoprotekta sayo! Kianna, can you be my queen?" Tanong naman ni Zander saakin. "Yes Zander Smith. I am willing to be your queen." Sagot ko naman sa kanya.
Nginitian niya ko bago uli ako yakapin. "Nasan nga pala yung iba?" Tanong ko naman kay Zander. "Lahat ng estudyante ay pinatawag ng president. Nabuo na daw ang dalawang gang. Ngunit ang powerful 10 ay patuloy pa ring pinag-aaralan kung sino ang dapat makapasok. At pinagpipilian na ang magiging Queen and King." Sagot naman ni Zander. Nabuo na ang Dalawang gang. Kung ganun ay ipapatupad na rin nila ang legal na pagpatay dito sa Academy. Kailangan kong kausapin si Blake. Tinangal ko ang mga nakadikit saaking katawan. "K-kianna? Ano bang ginagawa mo? Hindi ka pa pwedeng umalis." Pagpipigil naman saakin ni Zander. "Love, don't worry.... Kaya ko na ang sarili ko." Sagot ko sa kanya. "Tama ba ko ng pagkakarinig ko? Tinawag mo kong love?" Nakangiting tanong naman ni Zander saakin.
"Yup, you're right Love." Sagot ko naman sa kanya. Nginitian niya ko bago inalalayan. Iniupo niya ko sa wheel chair. Ayaw talagang magpatinag ng lalaking to. "Dalhin mo ko kung nasan ang mga estudyante ngayon." Sabi ko naman sa kanya. Tiningnan niya ko. "Love? Hindi ka pa pwedeng pumunta dun." Sagot naman nito. "Please Love? Gusto ko lang naman marinig kung ano ang sasabihin ng president eh." Pagpupumilit ko naman. Wala naman siyang nagawa kundi ang dalhin ako dun. Pagkarating namin dun ay maraming estudyante. Nagumpisa na din pala sila. "Buo na ang dalawang gang. Ang dalawang gang ay may 7 myembro. Ang mga pinuno ng gang ang mamumuno kung sino ang magiging co-leader nila. Ang bawat gang din ay pipili ng kanilang magiging reyna. Now. Let us welcome the members of Bad Black Gang Wizards." Hinintay kong lumabas ang mga myembro nito. Nagulat ako ng makita ko si Zander?? Teka? Tiningnan ko ang aking likuran at nakapagtataka na nandito parin si Zander na nakangisi.
"Bakit nakatayo ka dun Zander? Kasali ka din sa kanila? Teka hindi ko maintindihan! Wizard ka din?" Tanong ko naman sa kanya. Tiningan niya ko. Nagulat na lang ako ng magbago ang anyo nito. At naging si Sir Fernandez. Nanlaki ang aking mata. Ngunit bago man ako makapagsalita ay tinakpan niya ang aking bibig at tuluyan na kong nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Hell Academy
Mystery / Thriller"This is not an ordinary school" "Everyone needs to kill to save their lives" "Don't even dare to disobey his commands" "If you want to stay alive" "Welcome to Hell" Highest rank-#10 Mystery/Thriller