Chapter 29

1.7K 51 0
                                    

Kapahamakan

Kianna's POV

Ilang gabi na din akong hindi makatulog ng maayos. Madaming katanungan pa rin sa isipan ko na kailangan kong mahanapan ng sagot. Lalo lang dumagdag si Andrea.

Ilang araw na ding hindi nagpaparamdam si Tyler at Blake. Ano na kayang nangyari sa kanila?

"Kianna?! Ayos ka lang ba? Kanina kapa tulala jan." Napabalik ako sa reyalidad ng pitikin ni Summer ang noo ko.

"Kanina ka pa tahimik may problema ka ba?" Tanong sakin ni Zander. Umiling na lang ako bilang sagot na 'wala' kahit na 'meron' "Come on, you can't fool me Kianna remember, kaya kong bumasa ng isip ng tao and base sa nabasa ko sa isip mo may problema ka."

Mukhang hindi ko nga maloloko ang isang 'to. Pero hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na nanganganib siya? "Don't you even dare to disobey his commands if you want to stay alive." Bigla namang nag flashback ang sinabi saakin ni Andrea.

"Wala.. Wala akong problema excuse me lang ah? Naiihi kasi ako eh." Pagpapalusot ko sa kanila. Akmang tatayo na sana ako ng may humawak sa braso ko.

Nang tingnan ko kung sino ito nanlaki ang mga mata ko. Nagkita nanaman uli kami Tyler Sison kasama ang Blue Phantom gang. "Can I excuse her?" Nakangising tanong ni Tyler. Kinilabutan ako sa inaasta ng lalaking 'to.

Bigla namang tumayo si Zander. "No, hindi siya sasama sayo and hands off." Biglang hinawakan ni Zander ang kamay ko at dinala kung saan. Hinayaan ko lang siya kung saan niya ko dalhin.

Tumigil kami sa likod ng Academy. Hinarap niya ako sa kanya at pinunasan ang luha kong kanina pa pala tumutulo.

"Kianna, tell me anong problema mo? Anong nalalaman mo?" Tila ba parang sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko kayang sabihin sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit.

"Tell me please." Pagmamakaawa niya. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang aking mga luha. "You are in danger Zander, gusto ka nilang patayin." Ngumiti ng mapait si Zander ng sabihin ko iyon.

"Alam mo na pala." Napatingin ako sa kanya ng sabihin ng sabihin niya iyon. Kinakabahan ako... "Matagal mo na bang alam yun Zander?" Tila pinunit ang puso ko ng tumango ito. Napakagat labi ako at tila pinipigilang lumabas muli ang mga luha ko. Niyakap niya ako kaya inis na hinampas ko ang dibdib niya.

Bakit? Bakit hindi niya sinabi saamin kaagad? "Ang sama mo! Gusto mo na ba talagang mamatay? Bakit hindi mo sinabi saamin!" Patuloy ang pagtulo ng luha ko sa mga nalalaman ko.

Zander's POV

Napangiti na lang ako ng marinig na alam na pala ni Kianna. "Matagal mo na bang alam Zander?" Tumango ako bilang sagot ko. Matagal ko ng alam na gusto nila kong patayin. Pero mas pinili kong manahimik para hindi na magalala ang mga kaibigan ko.

Lalo na ang babaeng mahal ko. Niyakap ko siya at ramdam ko ang paghampas niya sa dibdib ko.

"Ang sama mo! Gusto mo na ba talagang mamatay? Bakit hindi mo sinabi saamin!" Masyado na kong nasasaktan kapag nakikitang ganito si Kianna. Iniangat ko ang kanyang mukha at pinunasan ang kanyang mga luha.

Ngumiti ako sa kanya. "Dahil ayokong baka isang araw ang babaeng minamahal ko ang pumrotekta saakin. Natatakot ako na baka isang araw mamatay ang babaeng mahal ko ng dahil sakin." Hindi ko kakayanin kung mawala ang babaeng ito.

Nasa kanya na ang lahat, madami na siyang napagdaanan sa impyernong ito. She deserves to be happy. She deserves to live.

"Kaya ba mas pipiliin mo na lang isarili ang lahat? Kaya ba pipiliin mong mamatay ka na lang? Akala ko ba walang taguan ng sikreto! Akala ko ba sama-sama tayong lalabas dito! Pano mangyayari yun kung ganyan ka?! Wala ka na bang tiwala saamin? How selfish!"

Masakit. Sobrang sakit. Tama siya masyado kong isinarili. Wala na kong nagawa ng tuluyan na kong iwan ni Kianna.

"Selfish, bakit hindi mo kasi kaagad sinabi sa kanya?" Ikinuyom ko ang kamao ko ng marinig muli ang boses na iyon. "Alam na niya, ikakapahamak niya iyun."

Hindi.... Hindi ako papayag mamatay muna ko bago niyo siya masaktan....

Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon