Favor
Zander's POV
Pinaubaya ko muna si Kianna kay Drake, Kailangan ko lang makausap ang nag-iisang taong alam kong makakatulong saamin. Alam kong napakahirap ito para saakin pero ito na lang ang nag-iisang paraan na alam kong madali.
Kumatok ako sa office niya at kumatok.
Pinapasok niya ako at umupo sa upuan. "I need your help." sabi ko sa kanya. Ngumisi ito saakin. "Totoo ba ito? Nanghihingi ka ng tulong?"
"Please, Kailangan ko ang tulong mo. Ikaw lang ang alam kong taong makakatulong saakin please do it for Kianna." Nagmamakaawa kong sabi. "Akala ko ba ayaw mo kong lumapit sa girlfriend mo tapos ngayon hihingi ka ng tulong para sa kanya?"
"Baka gusto mong mahuli kapag hindi ko ginawa yun." Sagot ko sa kanya.
"Sa tingin mo magpapahuli ako? Baka nakakalimutan mo kung sino ako? kaya kong paikutin lahat gamit lang ang mga kamay ko." Sabi nito na ikinangisi ko.
"Kaya nga kailangan ko ng tulong mo" Sabi ko uli sa kanya. "Alam ko namang may balak kang pabagsakin to alang-alang sa kapatid mo. Kaya magtulungan tayo." Sabi ko naman sa kanya.
"So may binabalak pala kayong pabagsakin ang Academy? Fine Makikipag tulungan ako sainyo." Payag naman niya sa plano. Napangiti na lang ako.
"We will start the plan tomorrow. Magkita tayo bukas sa rooftop."
BINABASA MO ANG
Hell Academy
Mystery / Thriller"This is not an ordinary school" "Everyone needs to kill to save their lives" "Don't even dare to disobey his commands" "If you want to stay alive" "Welcome to Hell" Highest rank-#10 Mystery/Thriller