Chapter 31

1.6K 41 2
                                    

New Positions

Kianna's POV

Ilang araw na din ang nakakalipas simula ng napagsalitaan ko ng masakit si Zander. Simula nung araw na yun hindi na din kami nag-uusap o nagpapansinan man lang. Masyado ata akong nagpadala sa galit.

Naalala ko ang sinabi saakin ni Andrea. Everything is has a reason.

Bumuntong-hininga na lang ako bago pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa office. I'm the Queen of this Hell kaya kailangan kong gampanan ang tungkulin ko. Pagkarating ko ng office ay bumungad saakin si Madame Evilyn, Sir Fernandez, Tyler at si Blake.

Napakunot-noo na lang ako ng makita ko si Blake na nakataas ang kilay na nakatingin saakin.

Problema nito? "Good Morning Ms. Spencer." Nakangising bati sakin ni Sir Fernandez saakin. Yumuko na lang ako bilang pagsagot sa bati niya.

"Ikaw na pala ang New Queen ng Academy and congrats." Nakangiting bati ni Madame Evilyn sakin. Ngumiti na lang ako sa kanya. At ng mabaling ang tingin ko kay Tyler nakangisi lang ito sakin. Gosh.

"Starting now, obligation mo na ang eskwelahan because hindi lang ikaw ang Queen. Ikaw na din ang Vice President ng school na ito. Kasama mo sila President Blake and King Tyler. The Secretary is Ashley Auserwalt." Napanganga na lang ako sa sinabi ni Madame Evilyn.

Queen ako ng Academy at Vice President pa. Teka pano ko naging Vice President? "Teka lang po? Pano po ako naging Vice President?" Isang ngiti lang ang isinukli ni Madame Evilyn. "Dahil tiwala kami na kaya mong patakbuhin itong Academy. Legal ang pagpatay kaya hindi ka pwedeng maawa. I want to give you this."

May binigay si Sir Fernandez na itim na wand saakin. Napakunot-noo ako. "That wand symbolize that you are in highest position. Tuturuan ka ni Blake at Tyler kung pano gamitin yan. But from now lahat ng kasama sa powerful 10 ay kailangang tawagin." Sabi ni Sir Fernandez.

Agad namang tumango si Madame Evilyn at pumunta sa mic "Attention, sa lahat ng kasali sa powerful 10 pumunta kayo sa office may meeting tayo."

Ashley's POV

"Attention, sa lahat ng kasali sa powerful 10 pumunta kayo sa office may meeting tayo." Rinig kong sabi sa speaker. Bakit kaya kami pinatawag? May meeting? Para saan? Kung tungkol lang yan sa patayan hindi na ko sisipot. "Pinapatawag na kayo ni Madame Violet kailangan mong pumunta." Sabi ng lalaking nasa tabi ko.

Inirapan ko siya. Wala naman kasi akong balak na pumunta dun. "Tara na." Nabigla ako ng hawakan niya ang braso ko at sapilitang itinayo. Sino ba siya para hawakan ako?

"Don't touch me and that's an order." Hindi ko alam kung anong ginagawa ko, pero para saan naman ang pagiging mataas kung hindi mo gagamitin iyon diba? Ngumisi ito. "Nasa Powerful 10 ako I'm Kyle Cha the Number 9 to the Powerful 10. I think you are Ashley Auserwalt and you are Number 7. Mas mataas ka sakin pero kailangan na nating pumunta dun."

Kyle Cha!? What?! Hayss... Wala na akong nagawa ng hilahin niya na ko papunta sa opisina. Walang ganang sumunod lang ako sa kanya. Hanggang sa nakarating na kami at dinatnan ko si Kianna na nakangiti saakin kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Anong meron? Bakit tayo pinatawag?" Tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot sa halip ay ngiti lang ang isinukli niya.

Bigla namang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Zander na halatang pagod na pagod. San ba siya nanggaling? Tumingin ito kay Kianna saglit bago iniwas ang tingin. Alam kong hindi siya lalapit saamin dahil nagkatampuhan ata sila ni Kianna.

"Ngayong kumpleto na kayo. Nais lamang naming sabihin sa inyo na hindi lamang kayo ang powerful 10 na kailangang katakutan ng estudyante. May mga position din kayong gagampanan. Kung sino ang mabibigyan ng position kailangan niyo itong gampanan dahil mas nakakataas na kayo sa powerful 10." Panimula naman ni President Blake.

Nanatili lang kaming tahimik at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Naglabas ito ng papel at binasa iyon. "Kianna Spencer the No. 4 in the powerful and a Queen of this Academy is now the Vice President." Nanlaki bigla ang mga mata ko. Si Kianna? Vice President na? Paano?

Tiningnan ko siya pero nagbikit-balikat lang siya. "Ashley Auserwalt the No. 7 in the powerful 10 is now the secretary. Siya na ang magpaplano sa lahat ng mga patimpalak sa Academy na ito. And the 2nd Assistant Secretary Kyle Cha. Siya ang mag-aasist kay Secretary Ashley. And once na pinatawag ang secretary kailangan kasama niya ang kanyang assistant secretary that means dapat lagi kayong magkasama."

Napanganga naman ako sa sinabi ng President. Seryoso? Kailangan lagi ko siyang kasama? Baka Magselos si Brian niyan. Hayss.... Ni bale sasabihin ko namang trabaho lang lahat ng ito.

"From now yan na muna, gagawin niyo na ang mga obligasyon niyo ngayon. Ms. Ashley Auserwalt the secretary kailangan ka namin para sa patimpalak ng Academy. Ikaw ang bahala kung anong klaseng patimpalak ang gagawin mo."

Whoah.. New Position at mukhang mahirap-hirap ito....

Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon