Back to Normal
Kianna's POV
Gumising ako ng maaga, tiningnan ko ang orasan at 4:30am pa lang. Pumunta ako sa kusina at nagtimpla ng mainit na gatas. Napabuntong-hininga na lang ako ng maalala ko Tapos na ang kasiyahan.
Hindi ko alam kung kelan ko uli makikita ang mga estudyante na ngumiti ng ganun. Kelan nga ba?
I am still investigating sa Academy. Una, ang pagpatay ni Tyler kay Jane. Pangalawa si Tyler na anak ni Sir Fernandez. Pangatlo ang panganib sa buhay ni Zander.
Mukhang nadagdagan pa ata. Bakit ilang araw ng wala si Van at Sky. Diba sila ang leader ng dalawang gang? At paano ang mga gang? At ang isang napakalaking katanungan sa isipan ko, paano kami nakalabas ni Tyler sa Academy.
Dahil sa sobrang kong lutang hindi ko namalayan na nandito na pala sa harapan ko si Drake.
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?" Nakaface-palm na tanong niya.Umiling na lang ako para hindi na siya magtanong pa.
"I know there is someone who is bothering on your mind." Seryoso niyang tono. Tumayo na lang ako para iwasan siya ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ng hatakin niya ko.
Aaminin ko kinakabahan ako sa mga kinikilos niya.
"Let me show you something" sabi niya at hinila ako papunta sa dorm niya.
Umupo ako sa kama at hinintay kung ano ang papakita niya, naglabas siya ng mahabang kahon pero maliit.
Binigay niya ito saakin. Binuksan ko ang kahon at nakita ko ang isang wand na may crystal diamond na kulay pula. Pero bakit ganun? Napapalibutan ng itim na usok ang napakagandang crystal?
"Nakita ko yan malapit sa basurahan, nung nagtapon ako nakita ko yan. Nacurious ako kaya kinuha ko at nakita ko yan with a name." Napakunot-noo ako ng malamang may kasamang pangngalan ang wand.
"Nasaan yung pangngalan?" Tanong ko sa kanya.
Agad siyang pumunta sa bedside drawer niya at kinuha ang isang papel binigay niya saakin ito.
Binuksan ko ang papel at nabasa ang pangngalang Trinity Sawyer.
"Trinity Sawyer?" Umupo sa tabi ko si Drake, at kinuha ang papel at ang wand.
"Siya ang dating may-ari ng Magical Academy na ngayon ay Hell Academy. Ayon sa nabalitaan ko simula ng pasukin ito ng dark wizards at ni Fernandez hindi na nakita si Trinity." Kwento niya.
Nanatili lang akong tahimik para pakinggan ang kwento niya.
"Nang masakop ni Fernandez ito ay pinalitan niya ang 'magical' ng 'hell' hawak nila ang prinsipe at still they are searching sa prinsesa." Pagtuloy niya.
"Can I know what is the name of the Princess and the Prince?" Tanong ko sa kanya pero umiling siya. I know hindi niya alam ang name.
Isa nanamang mistery ang kailangan kong malaman.
BINABASA MO ANG
Hell Academy
Mystery / Thriller"This is not an ordinary school" "Everyone needs to kill to save their lives" "Don't even dare to disobey his commands" "If you want to stay alive" "Welcome to Hell" Highest rank-#10 Mystery/Thriller