Chapter 32

1.6K 44 2
                                    

Idea

Kianna's POV

Tumayo na sa harapan si Ashley at sinulat sa white board ang plano niya para sa Academy. Hindi ko alam kung anong nasa utak niya pero tiwala ako sa kanya. Magaling siya sa mga ganitong bagay. Siya nga ang organizer namin eh. Nang matapos na ito ay ngumiti ako.

"Christmas Party?"  Nakangising sambit ni Tyler. Tumango na lang si Ashley at inayos ang kanyang tayo. "Yes, Naisip ko na magkaroon tayo ng Christmas Party since ang Academy na ito ay parang puro patayan lang. I, as a secretary of this Academy I want to see the students here smiling. Para kahit papano ay maging masaya sila." Sagot nito.

Bilib ako sa mga pinapakita niya ngayon, Matagal na naming gusto na makita ang mga estudyante na nakangiti. At ito na ang tamang panahon at oras para gawin iyon.

Nanatiling seryoso ang mukha ni Blake na tila ba pinagiisipan ng mabuti kung papayag ba siya sa plano ni Ashley o hindi. "I think maganda ang plans ni Secretary Auserwalt. Matagal na din kasi tayong hindi nagkakaroon ng kasiyahan sa paaralan na ito." Dagdag ni Madame Violet.

I knew it! Matagal na pala silang walang mga ganito. Sana pumayag si Blake sa plano ni Ashley, gusto ko ng makita ang mga estudyante na nakangiti kahit isang araw lang.

"And mas magiging maganda siguro ang Christmas Party natin kung wala muna tayong legal na pagpatay." Dagdag naman ni Kyle. Yes, tama siya para naman mas lalong maging maayos ang party. "Sang-ayon ako sa kanya President." Sabi naman ni Lucy.  "Kalokohan! Hindi ako sang-ayon sa idea ni Secretary Auserwalt!" Pagsalungat naman ni Sir Fernandez.

Wala sa sariling napangisi ako. Kelan pa ba siya sumasalungat sa mga ganitong bagay? Siguro kung patayan ang naisip ni Ashley malamang sumang-ayon na siya. Parehas lang sila ng anak niyang si Tyler. "Bakit naman? Maganda ang idea ni Secretary Auserwalt. Matagal na din tayong hindi nagkakaroon ng mga ganitong palabas. I think this is the right time."

Napatingin ako kay Blake, Nakangiti na ito at tila sang-ayon na sa plano ni Ashley. Nang tumingin naman ako kay Ashley bakas dito ang kanyang saya. "No! hindi pwede ang gusto niyo! ititigil ang legal na pagpatay? That's bullshit." Sambit naman ni Tyler, hayss like father like son talaga.

"Then lets do voting. Lahat ng sang-ayon sa idea ni Secretary Auserwalt raise your hand." command ni Blake na tinaas niya din ang kanyang kamay. Sumunod ako, at si Kyle pati na din si Madame Evilyn and the rest na kasali sa powerful 10. Mukhang ang mag-amang ito lang ang ayaw eh. 

"Majority Wins, Secretary Auserwalt kelan mo gustong gawin natin yan?" Tanong ni Blake. "Gusto ko po sanang sa mismong pasko natin gawin iyan. Pero mas maganda po sana kung maaga po natin itong paghahandaan." Sagot ni Ashley.

Bumuntong-hininga si Blake bago tumango. "2nd Assistant Secretary Kyle Cha i announce mo mamaya ang tungkol sa napag-usapan natin." utos nito kay Kyle na agad na tumango. 

"Good, Kianna and Tyler sumama kayo saakin dahil may gagawin tayo. Ashley and Kyle kayo na bahala for our Christmas Party, Powerful 10 tulungan niyo silang dalawa. Kyle Announce mo na. Tapos na ang meeting natin gawin niyo na ang kailangan niyong gawin ngayon." utos ni Blake bago tumayo. 

Sumunod na ako at muling tiningnan si Ashley at nginitian ito. Sinuklian niya din ito ng ngiti. You did it Ash, I'm proud of you.

Sinenyasan ko si Ashley na mauuna na ako at tumango na ito. Madami pa kong gagawin ngayong araw.

Ashley's POV

Sa wakas, Napapayag ko si President Blake. Sisiguraduhin kong magugustuhan ng mga estudyante ang gagawin ko. Hindi ko pa nakikita si Brian kaya hindi ako makapag-paalam. umupo ako kasama ang powerful 10.

"Ang ganda ng naisip mo, panigurado ako na magiging masaya ang mga estudyante dito. ilang taon na ang nakakalipas nun nung huling nagkaroon ng ganito." Nakangiting sambit ni Mike. 

Alam ko naman iyon dahil halata naman. Kaya mas maganda na ito para maganahan naman ang mga estudyante at puro hindi patayan. "Salamat, so simulan na natin. Any suggestions about our Christmas Party?" Tanong ko sa kanila. 

Agad na tumayo si Kyle at pumunta sa White Board at sinulat doon ang plano niya. Hmm? Ano kayang suggestion niya?


Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon