Chapter 18

2K 65 0
                                    

Danger

Zander's POV

Nabuo na din sa wakas ang gang. And yes, you're right isa ako sa member ng gang. Bad Black Gang Wizards. At tama ka din I'm also a Wizard. Nandito ako ngayon sa harap. Maraming estudyante ang mga nakatingin sakin. Lalo na ang aking mga kaibigan. Hindi na sila magugulat pa. Dahil matagal na naming pinlano to.
"And now let us witness the members of the Red Warrior Wizards." Bumaba na kami ng stage. At syempre pumasok na din ang myembro ng Red Warrior Wizards na pinamumunuan naman ni Sky.

Myembro din ng gang si Drake. Yes myembro siya ng gang. Gulat na gulat si Summer ng makita niya si Drake sa harapan. Hindi kasi sinabi ni Drake agad kay Summer dahil ayaw niya daw na mag alala ito. Ano pa bang magagawa namin? Girlfriend niya eh.

Sa bandang dulo naman ay may nakita akong babaeng walang malay. At nakita ko naman ang isang lalaking nilalayo ito. Hindi ko makita ng malinaw ang mukha ng lalaki pero sigurado akong ang babaeng iyon ay si Kianna?? "Bitawan mo ang babaeng yan!" Napatingin ang lahat ng tao saakin dahil sa ginawa kong pagsigaw. Nakita ko ang isang ngising kumawala sa labi niya bago tuluyang maglaho ng parang bula. Gumamit din ako ng spell para masundan ito. I'm an empath at kaya kong malaman ang iniisip at kaya kong basahin ang galaw ng tao.

Gumamit din ako ng invisible at para mapadali ko na din ang pagtakas kay Kianna. Hanggang ngayon ay tulog at wala pa rin siyang malay. Wag mo kong subukan Fernandez. Dont you even dare to touch my queen...... Dumaan na ko saaming dorm na kung saan ay nagaantay ang aming mga kaibigan pati na rin si Blake. Alalang-alala si Blake ng makita ang kondisyon ni Kianna. Maputla ang kanyang balat at itim ang kanyang labi. Malamang ay may ginawa si Fernandez sa kanya.

Someone's POV

Napangsi ako saaking nakikita ngayon. Nanghihina na ang prinsesa. Umaayon na lahat ang aking plano. Hawak ko ngayon ang nagiisang tanging gamot upang mawala ang kanyang lason sa katawan.

Flashback:

"Can you be my queen?" I ask her.
"Yes I am willing to be your queen." Sagot naman nito saakin. Ang tanga tanga mo talaga Kianna. Niyakap ko siya. At sa pagkakataong iyon ay isang spell ang ipinakawala ko. "Jéomoré Núl Eopiséa Da láda inmul litan." A dark spell with poison.

End of Flashback

Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon