Chapter 42

1.4K 40 3
                                    

Delubyong padating

Kianna's POV

Sinimulan namin ni Drake ang pagbabasa ng papel tungkol sa Magical Academy. Kinuha namin ang laptop na matagal ng tinatago ni Drake at nagresearch about more informations about the Academy. Pero mukhang walang lumalabas.

"Drake, mukhang wala tayong mareresearch dahil wizards ang mga tao dito malamang ay tago ang academy na ito." Sabi ko sa kanya. Kunot-noo niya akong tiningnan. "Kung tago ang Academy na ito bakit nahanap natin ito?" Tanong naman niya saakin.

Natigilan naman ako sa tanong niya. "Siguro mga wizards din tayo kaya  natagpuan natin ito?" Pabirong tanong ko sa kanya. 

"Kianna basahin mo ito." Ani Drake at binigay sakin ang papel na hawak niya. Kinuha ko ang papel at binasa nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nakasulat sa papel. "Kung ganun? ito ang dahilan kung bakit natin nahanap ang Academy." Hindi makapaniwalang tanong ko

"Pero sino saatin? sino sa ating anim?" Naguguluhang tanong din ni Drake. "Hindi ko alam pero posible kayang si Zander iyon?" Tanong ko. "Hindi din Kianna dahil kung si Zander yun bakit nandito siya kasama natin pumunta sa Academy?" May point din naman si Drake.

Pero sino saaming anim?

Someone's POV

Narito ako sa tabi ng prinsipe, Masyado nila itong pinapahirapan. Kung ano-anong pagkain at potion ang pinapakain at pinapainom nila dito. Halos hindi na ito makagalaw at lagi lang nakahiga at tulala.

May iilang buwan na lamang bago bawian ng buhay ang prinsipe. Kung nasaan man ang prinsesa kailangan na niyang mapuntahan ang prinsipe bago pa mahuli ang lahat.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok ang dalawang lalaki at may dalang itim na likido. Nang akma nilang lapitan ang prinsipe pinigilan ko ito. "Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Hindi niyo ba alam kung sino ang kinakalaban niyo?" Nakangising tanong ko.

Pero ni isa man sa kanila ay walang sumagot.

"Sa oras na dumating na ang prinsesa at maligtas niya ang prinsipe hindi ba kayo natatakot?" Muli kong tanong sa kanila.

Natawa ako nang matigilan sila sa ginagawa nila at lingunin ako. "Hindi kami natatakot dahil alam naming ililigtas niya kami kapag nangyari iyon" sagot naman ng isa. "Nagpapauto lang kayo sa kanya! Masyado kayong tanga! Sige lang mamatay din kayo." Sabi ko sa kanila at humalakhak

Sa pagkakataong iyon ay lumapit sila saakin at sinunggaban ako ng suntok, tadjak at sinikmuraan pa ko. Pero nginisian ko lang sila. "Wag kayong masyadong pakampante malapit na.... dadating din siya."

Zander's POV

Nakaupo ako ngayon sa aking dorm at nakatitig sa bintana. Alam na nila ang pinakasikreto ng Academy. Malalagay ang mga buhay nila sa panganib pero alam kong sa huli magtatagumpay sila. lalo na 'siya' kapag nalaman na niya ang tunay niyang pagkatao.

"Anak, pwede ba tayong mag-usap?" Bigla na lamang sumulpot ang nanay ko.

Tumango na lang ako at pinaupo siya sa tabi ko. Oo, nandito ang nanay ko pero hindi ko sinasabi sa kanila dahil mahirap na at mamaya masira ang plano namin. "Ma, Alam na nila." Malungkot kong wika.

"Anak, Mas mabuti nang malaman nila iyon. Para may panlaban sila." Sabi nito. "Ma? ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko. "Anak, maghanda na kayo. May pinaplano sila. May delubyong darating."

Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon