Chapter 54

1.4K 37 4
                                    

She is the princess

Kianna's POV

Ang hapdi. Sobrang hapdi. Pinilit kong idilat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa.

Tanging mga daliri ko lang ang nagagalaw ko.

Pinilit ko pa ding idinilat ang mga mata ko at sa pangalawang pagkakataon, naidilat ko ang aking mga mata.

Nandito nanaman ako...

Para kong hayop na unti-unting pinapatay. Pinikit ko muli ang aking mga mata at inaalala ang kahapon, ang nakaraan na masaya pa ko.

Kung ito na ang magiging katapusan ko lord, wag niyo sanang papabayaan ang mga kaibigan ko.

Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. Ang sakit. Sobrang sakit.

Ang dami ko ng nagawang mali sa mga kaibigan ko.

Dumilat ako ng umilaw ang kulay pula na ilaw. Pinilit kong igalaw ang aking ulo para makita  ko kung anong nangyari.

Napaluha ako ng makita ko si Drake pati ang mga kaibigan ko.

Napangiti ako ng nandun si Blake kasama ang dalawang gang na buhat-buhat si Zander.

Agad na lumapit sakin si Zander at pilit na sinisira ang salamin.

Parang gusto ko siyang pigilan dahil nakita ko si Fernandez na nasa likod niya.

Halos tumigil ang mundo ko ng saksakin siya sa likod nito.

Gusto ko siyang puntahan at lapitan pero hindi ko magawa! Tanging luha lamang ang nagawa ko. Tang***!

Drake's POV

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Fernandez sa likod ni Zander. Pupuntahan ko na sana siya para pigilan pero biglang may umatake saakin kaya hindi ko siya napuntahan.

Natalo ko naman ang umatake saakin ngunit nasaksak na ni Fernandez si Zander.

"Masyado ka kasing paki alamero. Pero salamat. Nakita na namin kaagad ang prinsesa." Sabi nito.

Napatingin naman ako kay Kianna at unti-unti ng nabubuo ang kwintas sa kanya.

Si Kianna ang prinsesa?

Agad namang rumespunde si Blake para pakawalan si Kianna at akmang sasaksakin siya ni Fernandez, Inunahan ko na siya.

Kinuha ko ang baril sa bulsa ko at ipinutok sa kanya.

Tumama ang bala sa kanyang kaliwang braso at panandaliang natumba.

Akmang tatayo uli siya ng pinaputukan ko uli siya at natamaan siya sa kanang braso.

Nagkaroon naman ng pagkakataong iligtas ni Blake si Kianna at Zander.

Nakita ko naman ang ibang gang na inililigtas ang prinsipe.

Natalo na namin ang mga tauhan ni Fernandez. "Mga hibang! HAHA! Anong akala niyo? Tapos na ang laro? Nagkakamali kayo!." Sigaw ni Fernandez.

Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon