Chapter 48

1.4K 33 1
                                    

Save The Prince

Zander's POV

Ilang araw na din ang nakakaraan mula ng mag-usap kami. Ngayon isa lang ang dapat kong gawin ang iligtas ang prinsipe at hanapin ang prinsesa. Binabantayan ko ngayon si Kianna na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising.

Mas mabuti nang matulog muna siya, Masyado na rin siyang naiistress. 

"Bro? Pwede ba kitang makausap?" Napatingin ako sa pintuan at nakita ko si Drake. Tumango naman ako at pinapasok ko siya. "Nalaman kong ililigtas  mo ang prinsipe, sasamahan kita." Ani Drake.

"Masyadong mapanganib bro, dito ka na lang bantayan mo ang mga kaibigan natin lalo na si Kianna. Bukas na bukas din ang alis ko at baka magising na din siya bukas." Sagot ko naman.

Tutol pa sana siya ngunit pinigilan ko siya. "Kung iniisip mo na hindi ko kaya 'to, Kaya ko. Babalik ako ng ligtas." Sabi ko sa kanya. Wala na siyang nagawa at pumayag na lang. 

*KINABUKASAN*

Maaga akong naghanda ng mga aking dadalhin, Kailangan ko ding maghanda lalo na at masyado itong mapanganib. Dala-dala ko ang aking bag at pinuntahan si Kianna na hanggang ngayon ay tulog pa din.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay. "Babalik ako. Kahit walang kasiguraduhan, Babalik ako para sayo." Bulong ko sa kanya at tsaka siya hinalikan sa noo.

Pagkalabas ko ay naabutan ko si Brian. "Saan ka pupunta?" Tanong niya habang umuunat pa. "May mahalaga lang akong gagawin, Paki sabi kay Drake na nakaalis na pala ako at pag nagising si Kianna pakainin niyo at alagaan niyo siya." Sagot ko naman.

Napakunot-noo siya pero ngintian ko na lamang ito. "Protektahan niyo ang isa't isa habang wala ako, Pangako babalik ako." Sabi ko bago tuluyang umalis. 

Kianna's POV

Naalimpungatan ako at bumangon, Ang sarap sa pakiramdam. "Buti naman nagising ka na." Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Ashley na nagtitimpla ng gatas para sakin. Hindi ko maiwasang yumuko dahil sa nagawa ko sa kanya.

Inabot niya saakin ang gatas at akmang aalis na siya ng pigilan ko siya. "Ash, I'm so sorry... Hindi ko gusto 'to. Gusto ko lang naman na maging ligtas kayo." Mahina kong sabi.

Narinig ko naman ang buntong-hininga niya. "Kalimutan mo na, Pinatawad na kita." Sabi niya at tsaka ngumiti saakin. Hindi ko naman mapigilang lumuha dahil sa saya.

Tumayo ako at tsaka niyakap siya, Yumakap din siya pabalik at napangiti ako.

"Nasaan nga pala si Zander?" Tanong ko at kumalas sa yakap. "Kaninang umaga pa daw umalis sabi ni Brian. Babalik din naman daw siya." Sagot naman niya. "Nga pala, pinagbilin din niya na kapag gumising ka, pakainin ka daw namin agad, kaya kumain ka na." Sabi niya.

Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

"Sus, kinikilig ka nanaman? Kainin mo na nga yung pagkain mo baka lumamig pa." Sabi niya. Ngumiti na lang ako. "Kamusta na nga pala ang Academy? Parang ang tagal ko kasing nakatulog eh?" Napakamot na lang ako saaking batok.

Tumawa naman siya. "Oo nga, matagal ka ng tulog mga 1 linggo na." Napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Ginawa lang naman ni Zander yun kasi masyado ka ng stress sa mga nangyayari." Dagdag pa nito. "Sinabi ko na din naman kay President Blake ang nangyari sayo kaya wala ka ng poproblemahin." Sabi pa niya bago umalis.

Bumalik muli ako sa aking higaan at kinain ang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay inubos ko ang gatas ko at dinala ang pinagkainan ko sa baba. Naabutan ko naman ang mga kaibigan ko na kumakain.....

Zander's POV

Malapit na ako sa sinasabi nilang 'hidden laboratory' nang matiyempohan kong lumabas ang isang nakalaboratory gown agad ko itong nilapitan. Isang spell ang aking ipinakawala at agad itong nawalan ng malay. 

Agad ko siyang dinala sa walang tao at kinuha ang damit niya at sinuot sabay alis.

Naglalakad ako papasok ng laboratoryo ng may humila saakin. "Saan ka ba nagpunta? kanina ka pa namin hinahanap. Baka gusto mong mapagalitan." Bulong saakin ng isa pang naka laboratory gown. 

"Pasensya na may pinuntahan lang saglit." Sagot ko. "Halika na, baka may makakita pa saatin." Sabi niya at hinila na ako papasok.

Pag pasok namin sa loob ay maraming nakakulay puti na laboratory gown. Kapansin-pansin din ang iba't ibang kulay ng mga likido. Napatingin ako sa isang salamin na hugis kahon. Nakahiga ang isang lalaki at walang malay.

Maraming mga wires ang nakadikit sa kanya. At sa tingin ko ay humihinga pa siya dahil nakakulay berde ang ilaw sa taas ng salamin which means nakakasurvive pa.

Nagpanggap ako na tumutulong para hindi sila makahalata. "Ililigtas kita Mahal na Prinsipe."

Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon