Information(pt2)
Kianna's POV
Tumayo si Blake at may kinuha sa drawer niya, tahimik lang akong naghihintay kung ano iyon. Kinuha niya ang makakapal na papel at ibinigay saakin. "Nanjaan lahat ng kailangan mo. Inggatan at siguraduhin mo lang na walang makakaalam nito." Babala nito.
Tinanguan ko ito bilang sagot ko. "Maraming Salamat Kevin." Sabi ko dito. Tumayo na ako at tsaka siya iniwan.
Bumalik ako saaming dorm at pinuntahan si Drake. Naabutan ko siya sa sala kaya nilapitan ko kaagad ito. "Drake, we need to talk." Seryosong wika ko. Mukhang naiintindihan naman niya ang ibig kong sabihin kaya tumayo ito. Pumunta kami sa kwarto niya at nilock ang pintuan para masiguro naming walang makakarinig saamin.
"Pinuntahan ko si Blake at sinabi sa kanya ang tungkol dito, pumayag siyang makipag-tulungan saatin. Binigay niya saakin ito, ito ang makakasagot sa mga tanong natin." Sabi ko sa kanya at iniabot ang papel sa kanya.
Binasa namin ang papel at nakita namin sa unang pahina nito ang tungkol sa Academy, "Kung ganun ang dating presidente ng academy na ito ay si Trinity." Sabi ni Drake ng mabasa ang papel.
Patuloy pa din kami sa pagbabasa ng papel nang bigla nalang may sumulpot. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Zander.
"Alam kong may binabalak kayo, Wag niyo nang ituloy. Mapapahamak lang kayo." Seryosong wika nito. "Zander, alam naming mapapahamak kami. Pero pangako mag-iingat kami."
"Shit Kianna! Hindi mo ko naiintindihan! Lalo ka lang nanganganib! Alam kong madami ka nang nalalaman pero hindi pa lahat!" Inis na sabi nito saakin. "Anong ibig mong sabihin na hindi pa lahat? Zander may hindi ka ba sinasabi saakin?" Tanong ko dito.
Inis na umiling ito bago umupo sa tabi namin ni Drake. "Listen Kianna, kung may binabalak kayo ni Drake wag niyo ng itutuloy. Mas malakas lang siya sa inyo. Lalo lang kayong mapapahamak!"
"T-teka Zander? Sino ba ang sinasabi mong 'siya'? Si Fernandez ba? Wag kang mag-alala kakayanin namin siya." Sabi ko.
"Kianna hindi lang si Fernandez at Tyler ang kalaban niyo. Madami sila." Sabi pa nito. "Bro? do you mean ang dark wizards?" Tanong ni Drake pero umiling si Zander. "Hindi lang sila madami pa sila. Mas madami pa sa inaakala niyo." Sabi pa nito.
Mas lalo lang akong naguguluhan. Naalala ko ang mga babala saakin ni Andrea noon na lagi niyang nababanggit ang 'siya' Pero sino nga ba ang tinutukoy nila? Talaga bang hindi ko pa alam ang lahat? O sadyang sinasadya lang nila na wag ipaalam saakin?
"Zander please, kung ano man ang nalalaman mo nagmamakaawa ako sayo. Sabihin mo na. Tulungan mo na ko hindi lang para saakin ito kundi para sa inyo din."
"Kianna, Drake alam kong gusto niyong maging maayos ang lahat. Pero alam nating hindi natin siya kaya. Nakikiusap ako sa inyong dalawa wag niyo ng ituloy lalo ka na Kianna, ayokong mawala ka."
Hinawakan ko ang kamay ni Zander at tinitigan ang kanyang mga nag-aalalang mata.
"Zander Smith, pinapangako namin mag-iingat kami. Ang kailangan lang namin ang tulong mo at nang suporta mo." Sabi ko dito.
"Tama si Kianna bro, kung tutulungan mo kami mas magiging mabilis lahat." dagdag pa ni Drake
"Kung iyan ang desisyon niyong dalawa hindi ko na kayo mapipigilan. Tutulungan ko kayo pero sana mag-iingat kayo. Lalo ka na Kianna." Alalang tono niya.
"Nangangako kami. Just help us and everything will fine" Sabi ko. Tumango ito at tsaka ibinigay saamin ang isa ring papel. "Lahat nang nanjan at sa papel na hawak niyo ay kumpleto na, Mag-iingat lang kayo na hindi kayo mabubuking nina Fernandez at Tyler" Babala nito saamin.
"Alam namin bro, salamat sa tulong mo" Ani Drake. Tumango na lang si Zander bago naglaho.
Ano nanaman kayang malalaman namin?
BINABASA MO ANG
Hell Academy
Mystery / Thriller"This is not an ordinary school" "Everyone needs to kill to save their lives" "Don't even dare to disobey his commands" "If you want to stay alive" "Welcome to Hell" Highest rank-#10 Mystery/Thriller