Friendship
Kianna's POV
Nagmadali akong mag-ayos nang aking sarili. Kinakabahan ako sa inasta ni Ashley kanina. Mabilis na sumunod ako sa kanya.
Pagkalabas ko ng aming dorm, nagsilapitan lahat ng estudyante saamin.
Wala na kong panahon para sagutin ang mga tanong nila kaya tumakbo ako at sumunod kay Ashley. Habang sinusundan ko siya, Hindi ko alam kung saan ang daan na ito.
"U-uhm, A-ash? Saan ba tayo p-pupunta?." Tanong ko ngunit nanatili lang itong tahimik.
Kinakabahan man ako sa inaasta niya ngunit mas pinili kong maging matapang.
May tiwala ako kay Ashley na Hindi niya ako ipapahamak.
Huminto kami sa isang pulang pintuan. Ngayon ko lang ito nakita. "Nandito na po kami." Tugon ni Ashley.
Bumukas ang pinto at dalawang lalaki ang lumapit saakin at hinawakan ang magkabila kong braso. "T-teka Ash a-anong--" "Shut up! Magsasama na kayong dalawa? HAHAHAHA."
Mas lalo akong nanlambot dahil sa inasta niya ngayon. Hindi ko alam kung siya pa ba talaga ito eh.
"Ash! Ano bang nangyayari sayo! Gumising ka! Ako 'to!!." Nagpupumilit na sigaw ko ngunit nanatili lang itong nakangisi.
Naalala ko nga pala ang wand ko. Shit! Nakalimutan kong dalhin dahil sa kakamadali ko!
"Dalhin niyo na yang babaeng yan sa loob at naghihintay na ang ating pinuno." Utos niya sa dalawang lalaki.
Halos wala na kong nagawa nang ipasok nila ko sa loob.
Puro iba't ibang likido ang nakikita ko sa loob. Pero mas nagulat ako nang makita ko ang dalawang salamin na hugis kahon.
Hindi ko kilala ang isa, pero halos umiyak na ko kung sino ang isa pang nasa loob. Zander....
*******
Drake's POV
Ilang oras na din ang nakakalipas nung umalis sina Kianna at Ashley. Hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakabalik.
"Drake?." Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Ashley.
"Nasan si Kianna?" Tanong ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo sa tanomg ko. "Huh? Bakit sakin mo siya hinahanap? Kakadating ko nga lang." Sagot niya.
"Kakadating? Eh pumunta ka dito kanina hingal na hingal. Kung Hindi ikaw yun, sino?" Napamura ako nang wala sa oras.
Posible kayang si Fernandez ang may gawa nun?! Naalala ko nung araw na inanounce ang dalawang gang. Sumigaw nun si Zander dahil sa panggagaya ni Fernandez sa kanya.
Ta*g i*a naman!
Kailangan kong hanapin si Kianna. Kailangan ko ng tulong ni Zander pero pano ko hahanapin si Zander di ko din Alam kung nasaan siya? Shit!.. Pano 'to?!
BINABASA MO ANG
Hell Academy
Mystery / Thriller"This is not an ordinary school" "Everyone needs to kill to save their lives" "Don't even dare to disobey his commands" "If you want to stay alive" "Welcome to Hell" Highest rank-#10 Mystery/Thriller