Finale
Kianna's POV
Dalawang araw na din ang nakakalipas ng mamatay si Zander at Tyler. Hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap na wala na si Zander. Martes na at kaarawan na ngayon ni Zander.
Nandito ako ngayon sa tabi ni Zander. Hindi ako makapaniwala na nakahiga na siya sa malambot na higaan na may mga bulaklak sa gilid.
Hindi ito kabaong. Sabi kasi ni Kuya Alfred, Hindi daw uso sa kanila ang kabaong. Dahil kapag may namamatay daw ay inilalagay lang daw sa higaan na malambot kung saan sa bawat gilid nito ay puro bulaklak.
Sinusundo daw sila ng 'Angel Fairies' Hinawakan ko ang malamig na kamay ni Zander.
"Love, Bakit mo naman ako iniwan? Ang daya mo naman eh." Alam ko namang hindi na siya sasagot dahil wala na siya.
"Love, Happy Birthday! Ang saklap naman. Birthday mo ngayon pero natutulog ka jan!"
"Love, Ang sakit. Ang sakit kasi yung taong mahal ko, Nakahiga ngayon at hindi na gigising. Paano yung pangako mo? Diba sabi mo magkasama pa din tayong lalabas ng Hell Academy? Pero bakit mo ko iniwan?"
"Gigising na ko sa umaga na hindi ko na maamoy yung mabango at masarap mong luto. Gigising na ko sa umaga na hindi ko na makikita yang ngiti mo, yung gwapo mong mukha yung I Love You mo."
"Hindi ko na mararamdaman yang yakap mo. Yang halik mo. Tapos matutulog ako na hindi na kita makakatabi."
"Love, Lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita. Happy Birthday uli." Huling sabi ko bago ipinaglapat ang aming labi. Tuluyan na ding tumulo ang mga luha ko.
Sobrang sakit isipin na ito na ang huling halik ko sa taong mahal ko.
Tumingin naman ako sa katabi niya. Lumapit ako sa kanya at tsaka pinagmasdan ang kanyang mukha. Tulad din ng kuya niya ang amo ng mukha niya. Nakakainis lang kasi ni hindi man lang niya sinabi saakin lahat.
"Hoy! Tyler! Gumising ka jan! Pati ba naman ikaw? Ang daya mo naman eh! Gusto ko pang marinig yang pang-aasar mo. Gusto ko pang makita yang nakakainis mong ngiti!"
"Gumising ka na please!!" Hindi ko na napigilan at niyakap ko na siya at tsaka umiyak. Alam kong madami ng nagawang mali si Tyler sakin. Pero ng malaman ko ang totoo, Naawa ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hell Academy
Mystery / Thriller"This is not an ordinary school" "Everyone needs to kill to save their lives" "Don't even dare to disobey his commands" "If you want to stay alive" "Welcome to Hell" Highest rank-#10 Mystery/Thriller