Powerful 10
Ashley's POV
Magkasama kami ngayon ni Brian na nagbabasa ng libro dito sa library. Habang sina Summer at Drake naman ay nasa Magical laboratory para malaman ang iba't ibang formula na gagamitin nila. Ayoko ng inaapakapakan ako ng mga taong masyadong nagmamarunong.
Gusto kong mapasama sa Powerful 10 ng Academy hindi lang para sa maging malakas, kundi ang makalabas dito ng buhay at malaman ang sikreto ng paaralang ito.
Kasalukuyan namang nasa dorm si Kianna at nagpapahinga. Masama daw kasi ang pakiramdam niya kaya hindi daw muna siya papasok ng 1st subject niya. Binabantayan siya ni Zander. Okay lang naman kahit hindi na makapasok si Zander sa 1st subject nila kasi alam naman naming kaya niya pa ding makapasa sa exam.
Kaya hindi na din nakapagtataka kung bakit may gusto sa kanya si Kianna.
"Finally I found it." Napatingin naman ako sa lalaking kaharap ko ngayon na masyado ng gulo-gulo ang damit. Aaminin kong nakakatawa ang itsura niya ngayon. "Anong tinitingin-tingin mo jan? Want me to kiss you?" Napatalon na lang ako sa kinauupuan ko ng makita ko ang paglapit ng kanyang mukha saakin.
"Isang lapit pa hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Ayoko ng ganitong eksenana lalo na kapag may makakakita samin damn this Brian! "Ikaw kasi eh, kanina kapa tingin ng tingin sa labi ko" isang ngisi ang kumawala sa kanyang labi.
Napalunok-laway na lang ako sa sinabi niya. Seryoso? Kanina ko pa tinitingnan ang labi niya? Ewwww!
Kianna's POV
Hindi ako pumasok dahil masama ang pakiramdam ko. Damn! Masyado na ata akong nagiisip ng kung ano-ano. Propesiya? Totoo ba talagang ako at si Tyler ang itinakda? Magiging demonyo din ba ko kagaya nila? Kaya ko bang patunayan sa kanila na hindi ko kaya maging demonyo kagaya nila? Argh! Masyado ng marami ang iniisip ko.
Hindi ko na namalayan na nahampas ko na ang lamesa. "Oyy? Ano bang problema mo?" Tanong naman sakin ni Zander. "Wala" pagsisinungaling ko. Ayoko ng madamay pa ang mga kaibigan ko dito.
I know na myembro si Zander ng isang Gang pero alam kong mapapahamak siya kaya mas mabuti na sigurong itikom ko ang bibig ko.
"All of students kailangan niyong pumunta sa quadrangle ng Academy. May iaannounce ang ating President." I think its Madame Evilyn. May iiaanounce ang president? Ano nanaman kaya yun? Dali-dali akong nagpalit ng damit at nag ayos ng sarili.
Hinila ko si Zander palabas ng dorm. At pumunta sa quadrangle ng school. Tulad ng inaasahan ko ay madaming estudyante dito. Nakita din namin ang mga kaibigan namin kaya pumunta kami sa kanila. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Drake. Tumango na lang ako bilang sagot ko.
"Magandang umaga aming mga mahal na magaaral, pinatawag namin kayo dahil sa napakagandang anunsyo ng ating president." Ibinigay ni Sir Fernandez ang micropono kay Blake. "Kailangan ko munang umalis." Pagpapaalam ni Zander. Tumango nalang kami.
Pumunta siya sa mga kagrupo niyang gang. Nandun din si Van ang kanilang leader. As usual nakaitim ito dahil Bad Black Gang Wizards nga eh. Nandun naman na si Drake sa kabila. Bakit ba kasi magkahiwalay sila? Pwede naman kasing magisa eh.
"Magandang Umaga, nais kong ianunsyo sa inyo na nabuo na ang Powerful 10. Congratulations ikaw ang nangunguna Van Monteverde, ikaw naman ang nasa ikalawa Sky Shin pumapangatlo ka Zander Smith." Wahh!! Seryoso? Pangatlo si Zander?
Yes!"No.4 Kianna Spencer and also she is the Queen of this Academy. You need to respect her or else makakatanggap kayo ng parusa." What? No.4 ako? And Queen? Cool but I'm not interested. "Wow! Kianna kasama ka na." Bati naman sakin ni Brian.
"No. 5 and the King of the Academy Tyler Sison." The hell? Dito pala siya nag aaral? What!!! No?! King siya dito? Ayoko na maging Queen! Tsk! Tsk! "No. 6 Andrea Lee, No. 7 Ashley Auserwalt. No. 8 Lucy Valdez, No. 9 Kyle Cha and the no. 10 Mike Kim. Congratulations sa mga natanggap. You need to respect them or else the punishment is near." Pagtatapos ng president.
I'm the Queen and he is the King? Argh!
BINABASA MO ANG
Hell Academy
Mystery / Thriller"This is not an ordinary school" "Everyone needs to kill to save their lives" "Don't even dare to disobey his commands" "If you want to stay alive" "Welcome to Hell" Highest rank-#10 Mystery/Thriller