Chapter 44

1.3K 42 1
                                    

Broken

Kianna's POV

Natapos ang mahabang usapan namin ni Sir Fernandez, Aaminin kong kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari.

Bumalik ako kaagad ng aming dorm at pabagsak na humiga sa aking kama.

Kailangan naming maging mas mainggat pa. Ni hindi nga namin alam kung bakit at paano nila nalaman na may binabalak kami.

Siguro mga wizards sila. Pero hindi naman lahat ng wizards ay kayang bumasa ng galaw ng mga tao. Oo, siguro nga wizards sila kaya nalalaman nila ang mga sikreto namin.

Ngayon kailangan na naming mag-ingat. The end is near.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinipilit na magpahinga ngunit hindi ako makatulog dahil hindk ako mapakali. Kailangan siguro gumawa na kami ng hakbang bago pa nila kami nauhanan.

"Kianna?" Napamulat ako ng aking mga mata at hinanap ang boses na tumawag saakin ng pangngalan ko.

Nakita ko si Ashley na nakatayo sa gilid ng pintuan. Bumangon ako at umupo sa kama.

"Pasok ka Ash." Anyaya ko dito. Umiling ito at nanatiling nakatayo sa may gilid ng pinto.

"May hindi kayo sinasabi saamin ni Drake." Seryosong wika nito. Kinabahan ako sa sinabi niya, hindi nila pwedeng malaman.

"Huh? Wala naman kaming tinatago eh?" Pagsisinungaling ko.

May kinuha lang siya saglit bago ako binalikan. Nilapag niya sa lamesa ang mga papel. Shit! Hindi pwede 'to!

"Kelan ka pa natutong magtago saamin? Gusto mo talagang mapahamak?" Ani nito.

"A-ash l-le--" "Shut up Kianna! Kaibigan mo kami! Pero bakit hindi mo sinabi saamin? Bakit nilihim niyo saamin?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "A-ayoko lang kayong mapahamak." Tanging ang mga salitang iyon ang lumabas saaking bibig. Nanlaki ang mga mata ko ng naglabas ito ng patalim.

"Ayaw mo kaming mapahamak? Eh kung laslasin ko 'tong pulso ko?" Sambit niya at akmang lalaslasin ang pulso niya ng ilabas ko ang aking wand "Lepisna" Sa isang iglap ay nakuha ko ang patalim sa kanya.

"Kailangan kong gawin 'to. Para saating lahat ito Ashley Auserwalt." Malamig na tono ko sa kanya. "Kianna, ipapahamak mo lang ang sarili mo." Paikak na tono niya.

"Mapapahamak? Naririnig mo ba ang sarili mo Ashley? Wag ka ngang magpakatanga! Mapapahamak lalo tayo kung wala tayong gagawin." Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin pero bigla na lang iyon lumabas saaking bibig.

"K-kianna..." Nagulat ako ng nakita ko sa likod ni Ashley sina Zander,Summer,Drake at Brian. 

"A-Ash Sorry di ko s-sinasadya." Hinawakan ko ang kamay niya pero marahas niya itong binawi at tinitigan ang mga mata ko. "Hindi na ikaw ang Kianna na kilala namin! I hate you! Simula ngayon sinisira ko na ang pagkakaibigan natin."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya pero wala na akong nagawa ng tuluyan ng tumulo ang luha ko.

"The Angel is Out, The Devil is In."

Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon