Galit
Blake's POV
Dinala namin si Kianna kalila Van at Sky upang humigi ng tulong at mapagaling si Kianna. "Masyadong malakas na lason ang nagamit kay Kianna, tanging si Fernandez lang ang may alam ng lunas kung siya nga talaga ang gumawa ng lason." Paliwanag saamin ni Sky. "Kailangan niyong mahanap kaagad ang lunas. masyadong mahina ang katawan ni Kianna. Maari siyang mamatay kung hindi niyo agad siya malulunasan she have a 1 month to live." Dugtong naman ni Van. Nakatingin ako kay Kianna ngayon na nag-aagaw buhay. Her pale and black lips breaks my heart. Hindi ko kayang makita kang ganito Kianna. Lumaban ka fight for me and for your friends Kianna. "Wala na ba talagang ibang lunas Van? pakiusap pagalingin niyo si Kianna" Umiiyak na pakiusap ni Summer. Niyakap siya ni Drake at pilit na pinapatahan. Lumapit naman si Ashley kay Kianna at hinawakan ang kanyang kamay. "Kasalanan kong lahat ng ito, kung hindi ko kayo pinilit na pumunta dito hindi sana mangyayari sayo ito... Kianna lumaban ka, alam kong malakas kang tao... sabi mo saamin sama-sama tayong lalabas sa paaralang ito diba? nangako ka din saamin na sama-sama din tayong mamumuhay ng masaya? Kianna don't broke your promise... nandito kaming lahat naghihintay sa pagbabalik mo fight for us Kianna please." Umiiyak na wika ni Ashley.
Lahat ng kaibigan ni Kianna ngayon ay lumuluha... kasalanan ko ito hindi ko siya naprotektahan. lumabas ako ng kwarto at iniwan muna sila. Umakyat ako ng rooftop. sandaling pinikit ang aking mga mata. Ngunit sa pagpikit ko ay unti-unting lumabas ang aking mga luha. "Hey Kevin" Isang pamilyar na boses ang aking narinig sandali kong binuksan ang aking mga mata at nakita ang isang babaeng nakaputi at nakalugay ang buhok na nakangiti saakin. at kung hindi ako magkakamali si Kianna iyon.
Agad akong tumayo at niyakap siya. "Kianna bumalik ka" masayang wika ko sa kanya. sandali kong pinutol ang aming pagyayakap. "Kevin, wag mong sisihin ang sarili mo sa nangyayari ngayon. Kung gusto mo talagang mapabagsak si Fernandez gumawa ka ng paraan. wag mong hahayaan na siya ang mananalo sa laban niyo. Kung gusto mo pa kong mabuhay lumaban ka. Hindi ikaw ang Kevin na nakilala ko! Ang Kevin na nakilala ko ay palaban at hindi basta basta sumusuko, matapang,palaban at malakas ang loob! ikaw pa ba talaga ang Kevin na iyon? Ang Kevin na nasa harapan ko ngayon ay sumusuko na at hindi lumaban! Ang Kevin na nasa harapan ko ngayon ay mahina ang loob!" Wika nito saakin na ikinasakit ng aking puso. Tama siya! masyado na kong nagigiging mahina. "Kung gusto mong manalo sa laban na ito kumilos ka! Walang taong nanalo ng hindi pinag-iisipan ang galaw ng kanilang kalaban." wika pa nito at naglaho na saaking paningin. "Kianna!" sigaw ko sa pangngalan niya ngunit hindi ko na siya muli pang nakita. "Kianna!" Sigaw ko uli sa pangngalan niya ngunit hindi na muli pa siyang nagpakita.
"Mukhang namimiss mo na ang mahal mo?" Napangisi na lang ako ng marining ko ang boses na iyon. Fernandez. Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "You're here Fernandez oh! Mr. Fernandez" Sabi ko naman sa kanya. I want to kill you right now Fernandez. Humalakhak ito bago sumagot saakin. "Ayoko ng makipagplastican pa sayo Blake Rivas. Alam kong alam mo kung sino ang gumawa non kay Kianna." Wika nito saakin. "I know kung sino ang gumawa nun kay Kianna wala ng iba kundi ikaw lang naman Ken Fernandez." Sagot ko naman sa kanya. Muli itong humalakhak. "Tama ka Blake Rivas. Ako nga ang gumawa non sa kanya. Hindi na din magtatagal ang buhay niya." Humalakhak uli ito ng malakas bago maglaho saaking paningin.
Wag ako Fernandez. I'm Asher Blake Rivas I'm the president of this Academy I can do what I want.........
BINABASA MO ANG
Hell Academy
Mystery / Thriller"This is not an ordinary school" "Everyone needs to kill to save their lives" "Don't even dare to disobey his commands" "If you want to stay alive" "Welcome to Hell" Highest rank-#10 Mystery/Thriller