Chapter 13

2.7K 74 2
                                    

Gulo

Summer's POV

Malinaw na saakin ang lahat kung bakit ayaw ipaalam ni Drake ang nalalaman namin. pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa kakayahang kaya niyang gawin. Nandito na ako saaming dorm at nagpapahinga. wala pa ang mga kasama ko dahil hindi pa tapos ang kanilang klase. kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang gallery. pictures naming family. I miss my parents very much. kung pwede nga lang kaming lumabas sa eskwelahan na ito edi sana matagal na naming ginawa. pero wala naman kaming magagawa dahil hindi na namin alam ang daan palabas. tiningnan ko ang mga pictures namin nila daddy and mommy. napaluha na lang ako habang tinitinganan ko ang mga iyon. hindi ko alam kung hanggang kelan pa kami dito. 3 buwan na rin ang nakakalipas simula ng mapadpad kami dito sa Academy na ito.  pumunta ako sa contacts ng phone ko at tinawagan si mommy.

"Hello?"

"Mommy si Summer po ito I miss you mom"

narinig ko na lang na biglang umiyak si Mommy. may problema ba siya?

"Mhie bakit po kayo umiiyak? may nangyari po ba?"

"Anak, ang daddy mo, kailangan ka niya ngayon. nasa hospital siya ngayon. inatake siya sa puso. gusto ka niyang makita anak. pakiusap umuwi kana"

 Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha ng marinig ang sinabi ni mommy. 

"Mom? nanjan po ba kayo sa ospital? ma, pakausap naman si daddy sige naman na po oh"

"Anak, comatose ang daddy mo."

Mas lalong dumami ang patak ng aking luha ng marinig ang mga katagang iyon.  

"Mhie please itapat mo nalang kay daddy ang telepono"

tinapat ni Mommy ang telepono kay daddy. patuloy pa rin ang pagpatak ng aking luha. hindi ko man naalagaan ang aking ama dahil nakakulong kami sa eskwelahan na ito.

"Dhie, sorry. sorry kasi wala ako sa tabi mo, sorry kung hindi kita naalagaan ngayon. Dhie lumaban ka please. antayin mo ko. pangako babalikan kita, dhie please pakatatag ka para saamin ni Mommy. dhie please lumaban ka. wag kang bibitaw. mahal na mahal kita dhie"

Binaba ko na ang telepono. kailangan ko ng makalabas ng eskwelahan na ito. kailangan ako ng aking ama.

Kianna's POV

Kasama ko si Zander ngayon. ewan ko ba sa lalaking ito. hindi pa nga ako nagugutom pero pinilit pa rin akong kumain. kaya wala na rin akong nagawa kundi ang sundin siya. kumain kami sa canteen ng sabay. at pagkatapos ay naglakad lakad. pagkatapos naming maglakad lakad ay naisipan na naming pumunta ng aming dorm. nakasalubong naman namin sila Ashley at Brian na magkasama. napairap na lang ako ng makitang maghawak kamay ang dalawa. tss... nakita naman kami ng dalawa kaya sumabay na sila saamin.  "Nasan sila Drake at Summer?" Tanong ni Zander kay Brian. magkaklase kasi sila Brian at Drake sa huling subject nila. kaya dapat magkasama sila ngayon. "Hindi ko nga siya nakita eh, hindi naman siya pumasok" sagot naman nito. hindi naman nakapagtataka kung bakit laging wala si Drake sa klase. dahil tamad kasi. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. ng bigla naming nakita si Summer na nakaluhod sa harap ni Blake at umiiyak.

nilapitan namin ito agad. "Nakikiusap ako sayo palabasin mo na ko dito" nagmamakaawang sambit ni Summer. "Anong nangyayari dito?" Tanong ko sa kanila. agad na lumingon si Blake at Summer. biglang tumakbo si Summer saakin at agad akong niyakap. "Kianna, tulungan mo kong makalabas dito." Humahagulgol niyang sabi saakin. napatingin naman ako kay Blake na nakatingin din saakin at nakataas ang kilay. Iniwasan ko ito ng tingin. "Bakit mo ba gustong lumabas ng Academy Ms. Swift?" Tanong naman ni Blake kay Summer.

"Ang daddy ko nasa ospital siya ngayon. comatose. inatake siya sa puso. kailangan niya ko ngayon." Sagot ni Summer habang umiiyak ngunit nakayakap pa rin saakin.  Ano? Si Tito na ospital? "Summer? Totoo ba yang sinasabi mo?" Tanong ni Zander kay Summer. Tumango si Summer.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at pinuntahan si Blake. "Do it Kevin. Please do it for me. This is my favor." Sabi ko sa kanya. "I'm sorry Kianna but I can't do that. Alam mo naman ang patakaran sa eskwelahan na ito." Sagot nito saakin. "Well, Blake Rivas magkakagulo tayo" nagulat na lang ako ng sumulpot si Drake.

"Magkakasubukan tayo Blake." Sambit ni Drake na ikinatakot ko. Magkakagulo nanaman sa Academy na ito!!

Hell AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon