PAG-ALIS

89 6 0
                                    

Sa pag-alis mo sa buhay kong inalagaan mo
Sa luha kong pinunasan mo
Sa pagpapakain mo sa akin
Sa pagmamahal na binagay mo sa akin

Sa paglisan mo sa mundo ko na parang isang surpresa na gumulat sakin
Sa hindi mo pagpapaalam na aalis kana pala
Sa mga alaala na iniwan mo

Gusto kong humingi ng tawad sayo
Patawad kase nakalimutan kong magpasalamat sayo
Patawad kase nahuli ako
Patawad kase bumitaw kana habang mahigpit pa ang pagkakapit ko sa kamay mo

Gusto ko namang magpasalamat
Salamat kase inalagaan mo ako
Salamat sa mga alaalang iniwan mo
Salamat kase minahal mo ako
Salamat sa lahat!

Masakit at mahirap tanggapin ang nangyari sayo
Sobrang sakit na parang paulit ulit akong pinapatay
Alam naming ayaw mo pang bumitaw na sabi mo pa samin tulungan ka namin
Pasensya na kase binitawan ka na ng iyong minamahal kase ayaw ka na niyang nakikitang nasasaktan pa

Hindi ka namin makakalimutan
Hindi namin lalong kakalimutan suklian ang pagmamahal na binigay mo samin
Alam naming masaya kana
pero sobrang sakit lang talaga ng pag-alis mo.

P O E T R YTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon